Daughters of Saint Paul

Disyembre 16, 2017 Sabado sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento

JUAN 5:33-36

Tinanong si Jesus ng mga alagad: “Bakit sinasabi ng mga guro ng batas na dapat munang pumarito si Elias?” At sumagot si Jesus: “Dapat nga munang dumating si Elias para ayusin ang lahat ng bagay. Ngunit sinasabi ko sa inyo na dumating na si Elias, pero hindi nila siya nakilala at pinakitunguhan nila siya ayun sa kanilang kagustuhan at gayundin pala magdurusa ang anak ng tao sa kamay nila.” At nauwaan ng mga alagad na si Juan Bautista ang tinutukoy ni Jesus.

 

PAGNINILAY

Narinig natin sa ebanghelyo na kinakausap ni Jesus ang mga Judio tungkol kay Juan Bautista. Kilala natin ang mga Judio sa panahon ni Jesus. Hindi sila naniniwala sa katotohanang dala ni Jesus bilang anak ng Diyos at Tagapagligtas. Pero sa tagpong ito, alam ni Jesus ang laman ng kanilang puso, ang kanilang masamang hangarin at masamang iniisip tungkol sa Kanya. Kung kaya’t kanyang sinabi na may patotoo Siya na higit pa kaysa kay Juan Bautista. Hindi makita ng mga Judio ang katuparan ng katotohanang ipinangangaral ni Juan Bautista dahil na rin sa katigasan ng kanilang puso at saradong pag-iisip upang kanilang matangap na si Jesus ang ipinangakong Tagapagligtas. Kaya mga kapanalig, sa pagsisimula ng simbang-gabi nawa’y sikapin nating makilala nang buong puso ang Panginoong Jesus na darating.  Gaano na ba natin Siya kakilala sa ating buhay? Kamusta ang ating relasyon sa Kanya?  Hindi lamang sapat na tayo’y tumatawag sa kanya sa tuwing tayo’y may problema o may matinding pangangailangan.  O ituring siyang Panginooon at Tagapagligtas sa tuwing nalalagay sa panganib ang ating buhay.  Bilang ating Tagapagligtas kailangang kilalanin natin Siya ng buong puso nang sa gayon ang ating pananampalataya sa Kanya magkaroon ng matibay na pundasyon.  Ang mga pagbasa sa mga susunod pang araw hanggang Pasko ang magpapakilala sa’tin sa Panginoon na ating Tagapagligtas.  Sikapin nating maunawaan ang mga pagbasa.  Pakinggang mabuti ang Salita ng Diyos at aktibong makibahagi sa pagdiriwang ng Banal na Misa.  Nang sa gayon higit nating mapahalagahan ang tunay na diwa ng ating ipinagdiriwang.