Magandang-magandang araw ng Biyernes/ sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento. Ikalabimpito ngayon ng Disyembre,/ sinisimulan natin/ ang ikalawang bahagi ng panahon ng Adbiyento,/ ang mga huling araw ng paghahanda/ sa dakilang Kapanganakan ng ating Panginoong Hesus. (Idalangin natin/ na mas umigting pa ang ating pananabik/ na masilayan ang Tagapaligtas,/ at mapanibago ang pag-asa sa ating puso sa kabilang ng mga pinagdadaanang pagsubok.) Ito po muli si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul! Pakinggan na natin/ ang tala-angkanang pinagmulan ni Hesus, sa Mabuting Balita mula kay San Mateo kabanata isa, talata isa hanggang Labimpito.
EBANGHELYO: Mt 1:1-17
Ito ang libro ng pinagmulan ni Jesucristo, anak ni David at anak ni Abraham. Si Abraham ang ama ni Isaac, si Isaac ang ama ni Jacob, si Jacob ang ama ni Juda at ng kanyang mga kapatid. Si Juda na ama ni Pares at Sarah. Si Tamar ang kanilang ina. Si Pares ang ama ni Esron at si Esron ni Aram. Si Aram naman ang ama ni Aminadab. Si Aminadab naman nina Ason. Sina Ason ni Salmon. Si Salmon ang ama ni Boas at si Rahab naman ang kanyang ina. Si Boas ang ama ni Obed. Si Ruth and kanyang ina. Si Obed naman ang ama ni Jese “Si Jese ang ama ni Rehoboam na ama ni Abia, at sumunod naman ang mga haring sina Asa, Yosafat, Yoram, Ocias, “Yoatan, Ahaz, Ezekias, “Manases, Amon at Yosias. “Si Yosias ang ama ni Yekonias at ng kanyang mga kapatid, sa panahon ng pagkatapon sa Babilonia. “Pagkatapos naman ng pagkatapon sa Babilonia-si Yekonias ang ama ni Salatiel na ama ni Zorobabel. “Si Zorobabel ang ama ni Abiud, si Abiud ni Eliakim, at si Eliakim ni Azor. “Si Azor ang ama ni Sadok, si Sadok ni Akim, at si Akim ni Eliud. “Si Eliud ang ama ni Eleazar, si Eleazar ni Matan at si Matan ni Jacob. “Si Jacob ang ama ni Jose-ang asawa ni Maria na siyang pinagmulan ni Jesus na tinawag na Kristo. “Kaya may labing-apat na salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David sa pagkatapon sa Babylonia at labing-apat din hanggang sa Kristo.
PAGNINILAY
Isinulat ni Bernard Sanchez ng Association of Pauline Cooperators ng Society of St. Paul-Makati ang pagninilay sa ebanghelyo. Tuwing naririnig ko ang talaangkanan ni Kristo, nararamdaman ko na papalapit na talaga ang pagdating ng Mesiyas. Sinasaad sa talaangkanan, ang linya ng relasyon ng mga pamilya na nagpapatunay na si Maria ang taong ina ni Kristo at ang ama niya’y si Jose na mula sa lipi ni Haring David—kung saan pinaniniwalaang magmumula ang Mesiyas. Bagamat ipinapakita ng talaangkanan ni Hesus ang lipi ng kanyang Amang si Jose, ito’y patunay na siya’y Anak ng Diyos, isinilang ni Maria buhat sa Espiritu Santo. Sa kabilang banda minarapat din ng Diyos na piliin si Jose upang maipakita na ang Mesiyas ng Diyos ay tunay nga namang magmumula sa lipi ni Haring David.// Mga kapatid, hinihintay natin ang pagdating ng Mesiyas! Sa linya ng talaangkanan ay nilathala na ng Diyos, na simula pa lamang kay Abraham at Moses, hinanda na ng Diyos ang Tagapagligtas ng tao. Ibig sabihin ang mga kaganapan sa simula pa lamang ay nakaukit na sa panahon—sa puso ng Diyos at ito’y minarapat ng Diyos na matupad upang makilala natin Siya sa pamamagitan ni Hesus na siyang maghahatid naman sa atin tungo sa kaligtasan. Si Hesus–ang Tagapagligtas, hindi lamang ng bayang Israel kundi ng buong mundo—kung mamarapatin lamang natin na siya’y tanggapin at sumampalataya sa kanyang salita na nagbibigay buhay. Maligayang Pasko sa inyong lahat at manibagong taon!