LUCAS 1:5-25
Sa kapanahunan ni Herodes na hari ng Judea, may isang paring nagngagalang Zacarias, mula sa pangkat ni Abias. Mula rin sa lahi ni Aaron ang kanyang asawa na si Elizabeth ang pangalan. Kapwa sila matuwid sa harap ng Diyos at namumuhay nang walang kapintasan ayon sa lahat ng Batas at Kautusan ng Panginoon. Ngunit wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapwa matanda na sila. Minsan, habang naglilingkod si Zacarias sa harap ng Diyos nang turnopa ng kanyang pangka kaya sa oras ng pag-aalay ng insenso habang nanalangin ang buong bayan sa labas, napakita sa kanya ang Anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng altar ng insenso. Naligalig si Zacarias at sinidlan ng takot pagkakita rito. Ngunit sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Zacarias; dininig ng iyong panalangin. Ipanganganak ng iyo ng asawa mong si Elizabeth ang isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Juan. Magiging maligaya at tuwang siya at marami rin ang magagalak dahil sa kanyang pagsilang magiging dakila nga siya sa harap ng Panginoon. Sinabi naman ni Zacarias sa Anghel: “Paano ko ito matitiyak? Matanda na nga ako at may katandaan ang aking asawa.” “Ako si Gabriel na nasa harap ng Diyos, ako ang sinugo sayo para kausapin ka at ihatid ang magandang balitang ito. Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita; ngunit ikaw na di naniniwala ay maging pipi at di makapagsasalita hanggang sa araw na mangyayari ito.” Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi si Zacarias. At pagkaraan ng mga araw, nagdalantao ang asawa niyang si Elizabeth ngunit limang buwan itong hindi lumalabas ng bahay at sinabi: “Ganito ang ginawa ng Panginoon na nagpasyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin mga tao.”
PAGNINILAY
Ang Ebanghelyong ating narinig, patunay na walang imposible sa Diyos. Kung loloobin N’ya, mangyayari ang taimtim na hangarin ng ating puso, kung ito talaga ang makabubuti sa atin. Hangad ng Diyos ang ating kabutihan at kasiyahan; pero sa Kanyang pamamaraan. Kaya matuto sana tayong igalang ang Kanyang pamamaraan, at ang tamang panahon ng Kanyang pagtugon. Huwag nating didiktahan ang Diyos kung ano ang gusto natin. Sa halip, tularan natin ang taimtim na pananalig nina Zacarias at Elizabeth na magdadalang habag sa kanila ang Panginoon sa panahong Kanyang itinakda. Patuloy tayong manalig sa Kanyang kagandahang loob.