BAGONG UMAGA
Mapagpalang araw ng Martes ginigiliw kong kapatid kay Kristo. Purihin ang Diyos sa pagpanibago ng ating pag-asa sa Kanyang kagandahang-loob. Nasa ikaapat na araw na tayo ng pagnonobena natin sa Pasko. Ito po muli si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul. (Matutunghayan natin sa Mabuting Balita ngayon, kung gaano kabuti ang Diyos at walang imposible sa Kanya. Inalis niya ang kahihiyan ng mag-asawang Zacarias at Elizabeth nang biniyayaan sila ng anak sa kabila ng kanilang katandaan.) Pakinggan natin ang (kabuuan ng kuwento)/ Mabuting Balita, ayon kay San Lukas kabanata isa, talata lima hanggang dalawampu’t lima.
EBANGHELYO: Lk 1:5-25
Sa kapanahunan ni Herodes na hari ng Judea, may isang paring nagngagalang Zacarias, mula sa pangkat ni Abias. Mula rin sa lahi ni Aaron ang kanyang asawa na si Elizabeth ang pangalan. Kapwa sila matuwid sa harap ng Diyos at namumuhay nang walag kapintasan ayon sa lahat ng Batas at Kautusan ng Panginoon. Ngunit wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapwa matanda na sila. Minsan, habang naglilingkod si Zacarias sa harap ng Diyos nang turnopa ng kanyang angkat… sa oras ng pag-aalay ng insenso habang nanalangin ang boung bayan sa labas, napakita sa kanya ang Anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng altar ng insenso. Naligalig si Zacarias at sinidlan ng takot pagkakita rito. Ngunit sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Zacarias; dininig ng iyong panalangin. Ipanganganak ng iyo ng asawa mong si Elizabeth ang isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Juan.”… Sinabi namn ni Zacarias sa Anghel: “Paano ko ito matitiyak? Matanda na nga ako at may katandaan ang aking asawa.” Sumagot ang anghel at sianbi sa kanya: “Ako si Gabriel na nasa harap ng Diyos…. Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita; ngunit ikaw na di naniniwala ay maging pipi at di makapagsasalita hanggang sa araw na mangyayari ito.” …Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi si Zacarias. At pagkaraan ng mga araw, nagdalantao ang asawa niyang si Elizabeth ngunit limang buwan itong hindi lumalabas ng bahay at sinabi: Ito’y gawa ng Panginoon! Ipasya niyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mg tao.
PAGNINILAY
Isinulat ni Cl. Vinz Aurellano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo. Takot, duda, pagtatanong, yan ang nanaig sa puso ni Zacarias. Valid ho yun, bakit? Dahil matanda na sila ni Elisabet, ano pa ba ang kanyang aasahan? Pero iba gumalaw at gumawa ang Diyos. Magkakaanak nga sila. Kung minsan mga kapatid, hilig nating ikahon ang Diyos. Limitahan siya sa makitid nating utak at puso. Mayabang tayo’t hinahamak siya sa kung ano pa ang kaya niyang gawin sa ating buhay. Mapawi nawa ng ilaw ng darating na Mesiyas ang dilim ng ating pagmamataas upang mabago ang ating puso. Asahan nating nariyan siya, at patuloy tayong pinagpapala kahit para bang di na natin siya madama o naaaninag. Sana sa ating pananahimik, mas makita natin ang pagpapala upang ang buhay natin ay maging awit ni Zacarias: Benedictus—ang walang hanggang pasasalamat sa mapagpalang Diyos.