Isang puspos ng pag-asang araw ng Lunes sa Huling Linggo ng Adbiyento. Apat na araw na lamang po, Pasko na! Kamusta po ang mga huling araw ng paghahanda natin sa pagdating ng Panginoon? Nawa’y nakapaglalaan tayo ng panahong magdasal, magsuri ng budhi, magsisi sa kasalanan/ at magnilay sa Salita ng Diyos. Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul! Pakinggan na natin ang Mabuting Balita mula kay San Lukas kabanata isa, talata dalawampu’t anim hanggang tatlumpu’t walo.
EBANGHELYO: Lk 1:26-38
Ng ikaanim na buwan, ang Angel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod ng Galilea
na tinatawag na Nazaret. Sa isang Birhen naidulog na sa isang lalaking sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose, at ang pangalan ng Birhen ay Maria. Pagpasok niya sa kinaroronan ng babae ay isanabi niya! “Abba puspos ka ng biyaya ang Panginoon ay sumasainyo.” Sa mga pangungusap na ito, si Maria ay nabigla at pinagdilidili ang kahulugan ng ganon bahagi. Datapwat sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nagging kalugodlugod ka sa mata ng Diyos. Tingnan mo maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawagin Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David ng kanyang ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; at walang katapusan ang ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa Angel “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag-anak mong si Esabel ay naglilihi ng isang lalaki sa kanyang katandaan, at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan na, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari.” “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel
PAGNINILAY
Mula sa panulat ni Sr. Ma. Janice Golez ng Pious Diciples of the Divine Master ang pagninilay sa ebanghelyo. Nakasambit ka na ba ng isang matamis na “oo”? Yung tipong bago mo pa masambit ito, nakaranas ka ng takot at pangamba, kaya minabuti mong pagnilayan muna ang iyong magiging desisyon? Marahil ito din ang naging karanasan ng ating Mahal na Birheng Maria sa Mabuting Balitang narinig natin ngayon. Bukod sa isang anghel ang nagpakita sa kanya, natakot din sya sa sinabi nito. Mukha kasing imposible, ang masyadong engrande na planong inilatag sa kanya. Mga kapanalig, may mga pagkakataon na hirap tayong magbitaw ng “oo” dahil sa takot at pag-aalinlangan. Pero kung tungkol sa bokasyon at misyon ang inihahain sa atin ng Diyos, alalahanin nating walang impossible sa Kanya! Tularan natin ang Mahal na Ina. Sa kabila ng kanyang takot, siya ay nagnilay, naging bukas sa kalooban ng Diyos at nagsambit ng kanyang matamis na “oo”.