Daughters of Saint Paul

Disyembre 31, 2023 – Linggo – Ika-7 Araw sa Pagdiriwang ng Pasko | Kapistahan ng Banal na Mag-anak ni Jesus, Maria at Jose

BAGONG UMAGA

Purihi’t pasalamatan natin ang Diyos sa papatapos nang Taon 2023.  Kapistahan ngayon ng Banal na Mag-anak nina Jesus, Maria at Jose.  Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul.  Pakinggan na natin ang Mabuting Balita ayon kay San Lukas Kabanata dalawa, talata Dalawampu’t dalawa hanggang apatnapu.

EBANGHELYO: Lk 2:22-40

Nang dumating na ang araw ng paglilinis nila ayon sa Batas ni Moises, dinala nina Jose at Maria ang sanggol ni si Jesus sa Jerusalem para iharap sa Panginoon–tulad ng nasusulat sa Batas ng Panginoon: Lahat ng panganay na lalaki ay ituturing na banal para sa Panginoon. Dapat din silang mag-alay ng sakripisyo tulad ng binabanggit sa Batas ng Panginoon: isang pares na batubato o dalawang inakay na kalapati. Ngayon, sa Jerusalem ay may isang taong nagngangalang Simeon; totoong matuwid at makadiyos ang taong iyon… Ipinaalam naman sa kanya ng Espiritu Santo na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang Mesiyas ng Panginoon. Kaya pumunta siya ngayon sa Templo sa pagtutulak ng Espiritu, nang dalhin ng mga magulang ang batang si Jesus para tuparin ang kaugaliang naaayon sa Batas tungkol sa kanya.

Kinalong siya ni Simeon sa kanyang mga braso at pinuri ang Diyos, at sinabi:”Mapayayaon mo na ang iyong utusan, Panginoon, nang may kaayapaan ayon na rin sa iyong wika; pagkat nakita na ng aking mga mata ang iyong pagliligtas na inihanda mo sa paningin ng lahat ng bansa, ang liwanag na ibubunyag mo sa mga bansang pagano at ang luwalhati ng iyong bayang Israel. … May isang babaeng propeta , si  Ana anak ni Panuel na mula sa tribu ng Aser… Sa pag-akyat niya sa panahong iyon , nagpuri rin siya sa Diyos at nagpahayag tungkol sa bata sa lahat ng naghihintay sa katubusan ng Jerusalem. Nang matupad na ang lahat ng ayon sa Batas ng Panginoon, umuwi sila sa kanilang bayan, sa Nazaret at Galilea. Lumalaki at lumalakas ang bata; napuspos siya ng karunungan at sumasakanya ang kagandahang-loob ng Diyos.

PAGNINILAY

Isinulat ni Cl. Vinz Aurellano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  (Tinype ko po sa google habang sinusulat itong aking pagbabahagi: “What is needed to have a happy family?” at ang ganda po ng lumabas na sagot: 1. Eat at least one meal together. Bakit? When you have a meal together as a family, you get to know how each family member’s day went, or they may tell their concerns or problems they may have had while you were away. 2. Put mobile phones aside. Spend quality time. 3. Help your children with their assignments. You will discover their weaknesses and strengths. 4. Do house chores together. You’ll be happy to learn that you worked hard for it. 5. Take trips together. More than making memories it also promotes independence, self-confidence, and interpersonal skills.  Ang nakakalungkot pong istorya, 20% of marriages in the Philippines are broken, 80% involves children. Sa US po, 40-50% marriages end up in divorce. One of the major reasons? Lack of communication/ poor communication.) Mga kapatid, marahil ang mandang tanong: “What is needed to have a holy family?” Ang sagot? Tatlo lang: 1. Mary—Humility. 2. Joseph—Man of Faith and Action. 3. Jesus—Love. Hindi naman naging perpekto ang buhay ng banal na mag-anak dito sa mundo, pero nanatili silang banal dahil alam nila kung paano magpakumbaba, manalig, tumalima sa kalooban ng Diyos, at higit sa lahat magmahalan.  Ipagdasal po natin ang bawat pamilya, ang kabanalan ng buhay, ang integridad ng bawat pamilya, ang kabanalan ng bawat pamilya. Because a Holy Family is a happy family. Amen.