Daughters of Saint Paul

DISYEMBRE 8, 2019 – IKALAWANG LINGGO NG ADBIYENTO

EBANGHELYO: MATEO 3:1-12

Nang panahon ding iyon, dumating sa disyerto ng Judea si Juan Bautista at nagsimulang magpahayag: “Magbagong-buhay kayo, lumapit na ang paghahari ng Langit!” Siya ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niyang: “ ‘Narinig ang sigaw sa disyerto: Ihanda ang daan para sa Panginoon, ituwid ang kanyang landas.’ “Balahibo ng kamelyo ang suot ni Juan; at may sinturong katad sa baywang, at balang at pulot-pukyutang -gubat ang kinakain. May mga taga-Jerusalem, taga-Judea at mula sa buong rehiyon ng Jordan na pumunta sa kanya. Inaamin nila ang kanilang mga kasalanan at bininyagan sila ni Juan sa Ilog Jordan. Nang makita niya na lumapit sa kanya ang ilang Pariseo at Sadduseo para magpabinyag, sinabi niya: “Lahi ng mga ulupong! Sino ang nagsabi sa inyong matatakasan ninyo ang darating na paghatol? Patunayan ninyo ang inyong pagbabagong-buhay, at huwag ipagyabang na ‘si Abraham ang ama namin.’ Sinasabi ko sa inyo na kahit sa mga batong ito’y makagagawa ng mga anak ng Diyos para kay Abraham! Nakaamba na ang palakol sa tabi ng ugat ng mga puno—para sibakin ang alinmang punong hindi namumunga ng mabuti, at itatapon ito sa apoy. “Sa tubig ko kayo bininyagan para sa pagbabagong-buhay pero kasunod kong darating ang isang makapangyarihan pa sa akin. Hindi nga ako karapat-dapat magdala sa kanyang sandalyas. Bibinyagan niya kayo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya ang nakahandang magtahip sa lahat ng butil ng trigo. Iipunin niya ang lahat ng butil sa kanyang kamalig ngunit susunugin ang mga ipa sa apoy na walang  hanggan.

PAGNINILAY:

Mula sa panulat ni Bro. Vinz Aurellano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Nasaan na ba ako sa aking paglalakbay? Nakakasunod pa ba ako sa liwanag o unti-unti na akong nilalamon ng kadiliman? Hayaan nating mabighani sa liwanag na hatid ni Juan. Siya ang boses na sumisigaw sa ilang: Ihanda ninyo ang daraanan ng Diyos! Ipinahahayagniyangmayroonpanghigitnadaratingkaysasakanya.Siyaangilawnagagabaysaatingpaglalakbaypatungosamasdakilangilaw—kayHesus. Mga kapanalig, Nasaan na nga ba tayo sa ating paglalakbay? Hahayaan ba nating mababaw ang ating paghahanda para sa kapaskuhan? Magnilay tayong muli sa ilaw na hatid ni Juan, upang sa gitna ng napakaraming nagaganap sa ating buhay, panatag ang ating loob, na ang ating paglalakbay at mga pinagkakaabalahan ngayong masasayang araw ng paghahanda ay patungo sa sabsaban at ilaw na hatid ni Kristo. Amen.