EBANGHELYO: MARCOS 3:1-6
Pumasok si Jesus sa sinagoga, at naroon ang isang lalaking hindi maigalaw ang kamay, at gusto rin ng ilan na isumbong si Jesus. Kaya nagmasid sila at baka pagalingin siya ni Jesus sa Araw ng Pahinga.At sinabi naman niya sa taong hindi maigalaw ang kamay: “Tumindig ka sa gitna.” At saka niya sila tinanong: “Ano ang ipinahihintulot sa Araw ng Pahinga, gumawa ng mabuti o gumawa ng masama, magligtas ng buhay o pumatay?” At hindi sila umimik.Kaya tiningnan niya silang lahat, na nagagalit at nalulungkot dahil sa katigasan ng kanilang puso, at sinabi sa lalaki: “Iunat mo ang iyong kamay.” Inunat nga ng tao ang kamay at gumaling ito.Pagkalabas ng mga Pariseo, nakipagtipon sila sa mga kakampi ni Herodes para masiraan nila siya.
PAGNINILAY:
Itinatag ng Diyos ang Araw ng Pahinga para sa kapakanan ng tao. Bilang tanda ng pakikipagtipan ng Diyos sa Israel, layunin ng Diyos na ang Sabat makapagbigay sa tao ng panahon upang makapagpahinga, makapagnilay at makipag-ugnayan sa Kanya. Sa pagpapahinga sa araw na ito, inaalaala ng tao ang banal na pagpapahinga ng Diyos pagkatapos Niyang likhain ang lahat ng bagay. Dahil dito, ipinagbabawal ng mga guro ng mga Judio ang 39 na iba’t-ibang uri ng gawain kung araw ng Sabat. Pero, may pagkilos na pinapayagan sa Araw ng Pahinga tulad ng mga gawain sa Templo, pagkakalag ng baka o asno mula sa sabsaban upang painumin, at iba pang gawaing – buhay ang nakataya. Mga kapatid, ang araw ng Linggo ang itinuturing nating Araw ng Pahinga bilang mga Kristiyano. Paano ba natin pinapahalagahan ang araw na ito? Pinapaalalahanan tayo ng Ebanghelyo ngayon na gamitin natin ang araw na ito sa paggawa ng mabuti at paglingkod sa kapwa. Bukod sa pagsisimba, pagdarasal, at sama-samang pakikipag-bondingsa pamilya, sikapin din nating umiwas sa paggawa ng kasalanang makapagpapahamak sa ating kaluluwa. Matapos ang anim na araw na pagtatrabaho, mahalagang araw ito para mag-rechargephysicallyat spirituallybilang paghahanda sa darating na linggo. Panahon din ito upang balikan ang mga nagdaang araw at tingnan ang sarili kung naging mabuting Kristiyano ba tayo – namumuhay nang may pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Mga kapatid, pag-ibig sa Diyos at sa kapwa ang tunay na diwa ng Batas. Hilingin natin sa Diyos ang biyayang lumago sa pagsabuhay ng tunay na diwa ng pag-ibig nang lagi nating mapapurihan ang Diyos sa hiram nating buhay.
PANALANGIN:
Panginoon, tulungan Mo po akong lumago sa pagsabuhay ng Iyong turo. Pag-ibig nawa ang maging motibasyon ko sa pagtulong at pagkalinga sa kapwang nangangailangan, Amen.