EBANGHELYO: MATEO 4:12-23 {o 4:12-17}
Nang mabalitaan ni Jesus ang pagkabilanggo ni Juan ay naagtungo siya sa Galilea. At pagkaalis sa Nazaret ay nanirahan siay sa Capernaum sa tabing dagat ng mga hangganan ng Zabulon at Neftali. Upang matupad ang sinabi nung una ni propeta Isaias. Ang lupain ng Zabulon at lupain ng Neftali sag awing dagat sa kabilang ibayo ng Jordan. Ang Galilea ng mga Hentil, ang baying nakalugmok sa dilim ay nakakita ng malaking liwanag. At sa mga naninirahan sa lupain ng dilim ng kamatayan ay lumitaw ang isang liwanag. Magmula noon si Jesus ay nangaral na na ang wika
“Magsisi kayo sapagat malapit na ang kaharian ng langit”. Samantalang naglalakad siya sa tabing dagat ng Galilea. Nakita niya ang dalawang magkapatid na Simon na tinatawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid na naghahagis ng lambat sa dagat sapagkat ay mga mangingisda. Winika niya “Sumunod kayo sakin at gagawin ko kayong mangingisda nang Tao. Kapagdaka ay iniwan nila ang kanilang lambat at sumunod sa kanya. Sa paglalakad niya ng kaunti ay nakita ang dawala pang magkpatid si Santiago na anak ni Zebedeo at ang kanyang kapatid na si juan na nasa daong kasama si Zebedeo na kanilang Ama na naghahayuma ng kanilang lambat sila at tinawag din niya. Nililibot ni Jesus ang buong Galilean a nagtuturo sa kanilang mga sinagoga nangangaral tungkol sa ebanghelyo ng kaharian at nagpapagaling ng lahat ng sakit at lahat ng karamdaman ng mga tao.
PAGNINILAY:
Napapanahon ang mensahe ng Mabuting Balita ngayon – maging mangingisda tayo ng ating kapwa… Isda ang simbolo ng bawat tao. Lumalangoy tayo sa dagat o mundo na punong-puno ng iba’t-ibang elemento na nangangailangan ng masusing pagkilatis kung naaayon ba ito sa kalooban ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang magsisilbing gabay at patnubay natin sa pagkilatis ng mga bagay-bagay sa ating paligid, maging sa ating buhay, kung naayon ba ito sa kalooban ng Diyos. Kaya napakahalagang i-angkla natin ang ating buhay sa Salita ng Diyos. Pag-aralan ito, dasalin, at pagnilayan upang tayo din naman magabayan sa tamang pamumuhay, at maging marapat ding taga-akay ng kapwa nating naliligaw ng landas. Wala tayong karapatang umakay o mangisda ng ating kapwa, kung tayo din naman namumuhay ng taliwas sa kalooban ng Diyos. Kaya ito ang ating samu’t dalangin sa pagtatapos ng National Bible Week. Na maisabuhay natin ang Salita ng Diyos na araw-araw nating napakikinggan at napagninilayan sa tulong ng Banal na Espiritu. Amen.