EBANGHELYO: Lk 10:1-9
Humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan. Sinabi niya sa kanila: “Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin niyo sa Panginoon ng ani na magpadala siya ng mga mangagawa sa kanyang ani. Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At huwag niyong batiin ang sinuman sa daan. Saanmang bahay kayo pumasok, sabihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ Kung mapayapang tao ang naroon, sasakanya ang inyong kapayapaan. At kung hindi’y magbabalik sa inyo ang inyong dasal. At sa bahay na iyon kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapalit-palit ng bahay. Saanmang bayan kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. Pagalingin din ninyo ang mga maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: “Palapit na sa inyo ang Kaharian ng Diyos.’”
PAGNINILAY
Mula sa panulat ni Lulu Pechuela, isang Pauline cooperator ang pagninilay sa ebanghelyo. Noon pa man, may “buddy system” na. Bawa’t isa sa mga disipulo ay may responsibilidad sa pagtupad ng kanilang misyon at sa kaligtasan ng kanilang kasama. Wala silang maaring dalhin na pitaka, supot o sapin sa paa. They have only each other, and the guidance and providence of the Lord to carry out their mission.// Sa buhay natin ngayon, napakahalaga nang mayroon tayong matatawag na “buddy” o kaagapay. Katulong sa gawain, karamay sa kalungkutan, kasama sa tagumpay. Sa military, your “buddy” has your back. He won’t leave you, no matter what, even at the risk of his own life. Walang iwanan sabi nga.// Naniniwala ako sa “buddy system”. Mas malakas, mas maganda, mas malayo ang mararating kapag may kaagapay. Sino ang “buddy” mo? Maasahan ba siya? Maasahan ka ba niya?//
PANALANGIN
Lord,bless me as I journey through life. Truly, the journey is not easy. But with you as my “buddy”, the trials and challenges will be surmountable. The weight of the cross will be bearable. Thank you for being my “buddy”. Amen.