Daughters of Saint Paul

Enero 26, 2024– Biyernes sa Ikatlong Linggo ng Karaniwang Panahon | San Timoteo at San Tito, mga Obispo (Paggunita)

BAGONG UMAGA

Magandang-magandang araw ng Biyernes kapatid kay Kristo.  Kahapon, ipinagdiwang nating ang Pagbabagong-loob ni San Pablo Apostol.  Ngayon naman, pinaparangalan ng Simbahan ang dalawang malapit na kasama ni san Pablo sa kanyang pangangaral – sina San Timoteo at San Tito.  Nagbalik-loob si San Timoteo sa Kristiyanong pananampalataya sa tulong ni San Pablo.  Si San Tito naman, ang isa sa napiling kasama ni San Pablo sa kanyang paglalakbay sa Konseho ng Jerusalem, at kapwa niya manggagawa sa maraming misyon.  Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul.  Pakinggan na natin ang Mabuting Balita ayon kay San Markos kabanata apat, talata dalawampu’t anim hanggang tatlumpu’t apat.

Ebanghelyo: Mk 4:26-34

Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa.  Tulog man siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namamalayan.  Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay.  At kapag nagbunga na ito, agad siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan.” At sinabi niya: “Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong kalinhaga natin ito maipakikilala? Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa.  Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki ng higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon ng Langit.” Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nitoo ayon sa kakayahan ng kanilang isipan.  Hindi siya nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinhaga.  Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang.

PAGNINILAY

Isinulat ni Fr. Brian Tayag ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Ipinagdiriwang natin ngayon ang memorial nina San Timoteo at San Tito, mga kasamahan ni San Pablo sa pagpapahayag ng Mabuting Balita. Sina Timoteo at Tito ay pawang mga naging Obispo ng Santa Iglesya. Kilala natin sila, dahil sa mga ginawang sulat ni San Pablo para sa kanila. Sina Timoteo at Tito, ay kabilang sa pitumpu’t-dalawang hinirang ni Hesus at sinugong dala-dalawa sa mga bayan-bayan ng Israel. Sila rin ang kasagutan sa panalangin ni Hesus: Idalangin n’yo sa panginoon ng ani na magsugo siya ng mga manggagawa sa kanyang ani.  Ngayong araw, hinihikayat tayo ng Santa Iglesiya, na tularan sina San Timoteo at San Tito, sa kanilang masigasig na pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Bagama’t kapos sa mga material na bagay, they bear their share of hardship for the sake of the Gospel. After establishing a new Christian community, Paul would move on to a new area to share the Gospel. He often asked Timothy or Titus to stay behind to support and encourage the new community in living their faith. Marahil pinili ni San Pablo sina Timoteo at Tito bilang kanyang mga katulong, dahil nakita niya kung gaano sila katiyaga sa kanilang gawain, at nakikiramay sila sa mga tao. We can also pray to these two saints, asking them to help us to become more patient and considerate in our daily lives, as they were. Amen.