MARCOS 5:1-20
Dumating si Jesus at ang kanyang mga alagad sa lupain ng mga taga-Gerasa sa kabilang ibayo, at pag-alis niya sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa mga libingan…Sinabi nga sa kanya ni Jesus: “Lumabas ka sa tao, maruming espiritu.” At nang tanungin siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” sumagot siya, “Hukbo nga ako, marami kasi kami.” At hiningin niya kay Jesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon. Maraming baboy na nanginginain doon sa burol. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: “Ipadala mo kami sa mga baboy at papasok kami sa mga iyom.” At pinahitulutan sila ni Jesus. Kaya pagkalayas ng mga demonyo’y pumasok ang mga ito sa mga baboy; at nahulog sa bangin ang mga baboy papuntang dagat at nalunod na lahat. Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. At ipinamalita nila ang lahat sa bayan at sa mga bukid. Naglabasan ang mga tao para alamin ang nagyari. Pagsakay ni Jesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang inalihan ng demonyo na isama siya. Ngunit hindi siya pinayagan ni Jesus, kundi sinabi niya: “Umuwi ka sa iyong mga kamag-anak at ipamalita sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at ang pagkahabag niya sa iyo.” At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay…” Nagsasalita pa si Jesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniisturbo ngayon ang Guro?” Ngunit hindi sila inintindi ni Jesus at sinabi sa pinuno: “huwag kang matakot, manampalataya ka lamang…” At pinagtawanan nila siya… Pagkapasok niya sa kinaroroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ibig sabihin’y “Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.” At noon di’y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. (Labindalawang taon na nga siya.) At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Jesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakin ang bata. Kaya umalis ang tao, at sinimulang ipahayag sa buong lupain ng Decapolis ang lahat ng ginawa sa kanya ni Jesus, at namangha ang lahat.
PAGNINILAY:
Mga kapanalig, sa panahon natin ngayon maraming nagkalat na tukso at masasamang gawain na nag-eenganyo sa atin para magkasala. Nandidiyan ang pornograpiya, materyalismo, konsumerismo at iba pang mensaheng nasasagap natin sa internet at iba pang media – na humuhubog sa atin upang pahalagahan ang mga makamundong bagay na nagdudulot sa atin ng panandaliang saya. Kung hindi tayo magiging mapagbantay, malamang mahuhulog tayo sa bitag nito. Pero kung nagbabasa tayo ng Salita ng Diyos at hayaan natin ang Banal na Espiritu na kumilos sa ating buhay, mapaglalabanan natin ang tukso at masasamang gawaing ito. Panginoon, kasihan Mo po ako ng Iyong Banal na Espiritu nang lagi kung piliin kung ano ang tama, mabuti at kalugod-lugod Sa’yo. Amen.