EBANGHELYO: Mk 4:26-34
Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. Tulog man siya o gising, sa gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namamalayan. Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang uhay at ang butil na humihitik sa uhay. At kapag nagbunga na ito, agad siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan. Sa ano natin maikukumpara ang kaharian ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? Natutulad ito sa paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa lupa. Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki ng higit pa sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang lilim ang mga ibon sa Langit.” Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. Hindi siya nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinhaga. Ngunit nilinaw niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang.
PAGNINILAY
Isinulat ni Dolores Montales, na isang IOLA ang pagninilay sa ebanghelyo. (Narinig natin sa Mabuting Balita ang paghalintulad ng kaharian ng Diyos sa isang magsasaka na naghasik ng maliit na butil ng mustasa. Lumago ang butil na kanyang inihasik nang di nya napapansin. Yumabong ito at nagkaroon ng dahon, kung saan ang mga ibon ay masayang dumadapo.) As a Missionary, we must not get tired of proclaiming the Word of God. We must be patient enough to wait for the signs of the kingdom, even if they seem very slow in coming. We must trust in God’s power to realize the divine plan for the world. Taong 2017 nang kaming tatlo IOLA’s na nakatira sa Formation Center sa Pasay ay nag umpisang magturo ng catechism, sa mga batang kapitbahay namin. Mga batang may edad na apat pataas; may mga batang di pa marunong mag sign of the cross at magdasal; ang iba ay magulo, maingay at di nakikinig, at makukulit. Naisip tuloy namin, na kaya lang sila pumupunta ay dahil sa nagbibigay kami ng meryenda. Makaraan ang isang taon, sa matiyaga naming pagtuturo, napansin namin ang kanilang pagbabago. Dumarating na sila on time, malinis ang katawan, nakikinig na sila sa mga tinuturo at gumagawa na rin ng homework. Naisama na rin namin sila sa children’s Mass sa parokya. Behave sila sa loob ng simbahan habang nagmimisa, at hanggang sa paglalakad namin pauwi. Dahil sa pandemya, nahinto ang aming catechism class. Sa ngayon kapag nakikita namin sila sa labas, nagtatanong sila kung kailan muli ang catechism class. Nakikita namin sa kanilang mga mukha ang pananabik na makinig sa Salita ng Diyos.
PANALANGIN
Panginoon gabayan nawa kami ng Iyong banal na Espiritu upang maipahayag at maisabuhay namin ang Mabuting Balita. Amen.