Daughters of Saint Paul

Enero 31, 2017 MARTES / Ika-apat na Linggo sa Karaniwang Panahon / San Juan Bosco, pari

 

Heb 12:1-4 – Slm 22 – Mk 5:21-43

Mk 5:21-43

Pagkatawid ni Jesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkalipumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat.

            At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para iligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay.”

            Kaya umalis si Jesus kasama niya at sumunod din ang mga tao na gumigitgit sa kanya.”

            May isa naming babae na labindalawang taon nang dinudugo.  Marami na ang tiniis niya sa kamay ng mga doktor at nagastos na niya ang lahat ng meron siya umigi kundi lumala pa ang lagay niya.  At nang mabalitaan iya ang tungkol kay Jesus, nilapitan niya ito sa likuran sa gitna ng mga tao at hinipo ang damit nito, sapagkat naisip niya:  “Kung mahihipo ko lamang ang kanyang mga damit, gagaling na ako.”

            At agad na naampat ang pag-agos ng kanyang dugo at naramaman niyang gumaling na ang kanyang sakit.

Ngunit agad din namang nadama ni Jesus na may lakas na lumabas sa kanya kaya lumingon siya sa gitna ng mga tao at nagtanong:  “Sino ang humipo sa mga damit ko?  Sumagot ang kanyang mga alagad:  Nakikita mo nang ginigitgit ka ng napakaraming tao.  Bakit mo pa itatanong:  “Sino ang humipo sa akin?”  At patuloy siyang tumingin sa paligid para makita kung sino ang gumawa nito.  Kaya lumapit na nanginginig sa takot ang babae.  Namamalayan nga nito ang nangyari kaya lumapit ito at nagpatirapa sa harap niya at inamin sa kanya ang buong katotohanan.

            At sinabi sa kanya ni Jesus:  “Anak, iniligtas ka ng iyong pananalig.  Humayo kang mapayapa at magaling ka na sa iyong sakit.”

            Nagsasalita pa si Jesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniisturbo ngayon ang Guro?” Ngunit hindi sila initindi ni Jesus at sinabi sa pinuno: “Huwag kang matakot, manampalataya ka lamang.”  At wala siyang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juang kapatid ni Jaime.

            Pagdating nila sa bahay, nakita niya ang kaguluhan:  may mga nag-iiyakan at labis na nagtataghuyan.  Pumasok si Jesus at sinabi:  “Bakit nagkakagulo at nag-iiyakan?  Hindi patay ang bata kundo natutulog lang.”

            At pinagtawanan nila siya.  Ngunit pinalabas ni Jesus ang lahat, at ang ama at ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan.  Pagpasok niya sa kinaroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ang ibig sabihi'y “Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.

            At noon di'y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad.(Labindalawang taon na nga siya.) At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Jesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.

PAGNINILAY

Mga kapatid, ilang ulit na ba tayong sumuko at sinasabing patay na nga a ang isang tao?  Skalagayan ng bansa natin ngayon, marahil maramisa atin ang nagsasabing patay na ang pagiging marangal; patay na ang kabutihan, ang dangal, at ang katapatan.  Kailangan nating bantayan ang ating likuran, dahil hindi na tayo nakasisiguro.  Ang pagiging mayaman na ang uso.  Para lamang sa mga “tanga” ang pagiging mabuti at mapagbigay.  At para sa maraming modernong tao, wala na ang Diyos.  Sa kabila ng pag-iisip ng ganito, hindi tayo isinusuko ng Diyos, hindi Niya tayo iniiwan.  Tanda ang bawat sanggol na isinisilang na hindi nawawalan ng pag-asa ang Diyos sa atin.  Mawala man tayo, nagpapatuloy ang buhay, at itinutuloy ng mabubuting tao na dalhin ang liwanag.  Itinuturo ng pananampalataya na hindi tayo namamatay, tayo’y nananatiling buhay sa kabilang buhay.