Daughters of Saint Paul

ENERO 31, 2022 – LUNES SA IKAAPAT NA LINGGO NG TAON

Purihin ang Diyos sa papatapos nang buwan ng Enero.  Pasalamatan natin Siya sa mga biyaya at pagpapalang tinanggap natin sa buong buwan.  At humingi din tayo ng tawad sa maraming pagkakataong nagkulang tayo sa pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa.  Kapistahan din ngayon ni San Juan Bosco na isang pari, kinilala siyang ama at guro lalo na ng mga dilengkuwenteng kabataan.  Ito po si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul!  Pakinggan na natin ang Mabuting Balita mula kay San Markos kabanata lima, talata isa hanggang dalawampu.

EBANGHELYO: Mk 5:1-20

Dumating si Jesus at ang kanyang mga alagad sa lupain ng mga taga-Gerasa sa kabilang ibayo, at pag-alis niya sa bangka, sinalubong siya ng isang lalaking inaalihan ng demonyo, na galing sa mga libingan… Sinabi nga sa kanya ni Jesus: “Lumabas ka sa tao, maruming espiritu.” At nang tanungin siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” sumagot siya, “Hukbo nga ako, marami kasi kami.” At hiningin niya kay Jesus na huwag silang palayasin sa lupaing iyon. Maraming baboy na nanginginain doon sa burol. Kaya hiniling sa kanya ng mga demonyo: “Ipadala mo kami sa mga baboy at papasok kami sa mga iyom.” At pinahitulutan sila ni Jesus. Kaya pagkalayas ng mga demonyo’y pumasok ang mga ito sa mga baboy; at nahulog sa bangin ang mga baboy papuntang dagat at nalunod na lahat.  Tumakas naman ang mga nagbabantay sa mga baboy. At ipinamalita nila ang lahat sa bayan at sa mga bukid.  Naglabasan ang mga tao para alamin ang nagyari. Pagsakay ni Jesus sa bangka, nakiusap sa kanya ang inalihan ng demonyo na isama siya.  Ngunit hindi siya pinayagan ni Jesus, kundi sinabi niya: “Umuwi ka sa iyong mga kamag-anak at ipamalita sa kanila ang lahat ng ginawa sa iyo ng Panginoon at ang pagkahabag niya sa iyo.” paraming tao sa tabing dagat. At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo.  Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay…” Nagsasalita pa si Jesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae.  Bakit mo pa iniisturbo ngayon ang Guro?” Ngunit hindi sila inintindi ni Jesus at sinabi sa pinuno: “huwag kang matakot, manampalataya ka lamang…” At pinagtawanan nila siya… Pagkapasok niya sa kinaroroonan ng bata, hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ibig sabihin’y “Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka.” At noon di’y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. (Labindalawang taon na nga siya.)  At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha.  Mahigpit na iniutos ni Jesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakin ang bata. Kaya umalis ang tao, at sinimulang ipahayag sa buong lupain ng Decapolis ang lahat ng ginawa sa kanya ni Jesus, at namangha ang lahat.

PAGNINILAY

Mula sa panulat ni Sr. Lou Ranara ng Daughters of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  Minsan may pumasok sa Paulines Media Center na nagkwento sa akin tungkol sa nakita niyang demonyo. Pangit daw ito, may buntot at nagliliyab ang mga mata. Sabi ko sa kanya, minsan po hindi nakakatakot ang anyo ng demonyo kasi kung magkaganon, wala na syang matutuksong gumawa ng masama. Bakit? sasama o susunod ka ba sa isang nakakatakot na nilikha? Hindi, di ba? Mga kapatid, maraming nalilinlang ang demonyo sa kasalukuyan nating mundo dahil nagpapakita ito sa anyong kaakit-akit o katakam-takam. At alam ng demonyo kung ano ang mga kahinaan at hangarin natin sa buhay na maari niyang pasukan upang tuksuhin tayong sumunod at magpaalipin sa kanya. Maari siyang magpakita sa anyong maganda at seksing babae upang akitin ang isang lalaking may asawa na magtaksil sa kanyang kabiyak. Maaari rin syang maging guwapong lalaki na magdadala sa mga babae sa kapahamakan. At maaari rin syang sumakay sa ating mga makamundong hangarin upang akayin tayo palayo sa Diyos. Anuman ang anyo at motibo ng demonyong lumalapit sa atin, hindi tayo dapat matakot kung tayo ay nasa kay Cristo.   Sa Mabuting Balita, narinig natin kung paano pinalayas ni Hesus ang demonyo sa taong inaalihan nito. Nagpapatunay lamang ito na walang demonyo ang hihigit pa sa kapangyarihan ng Diyos. Kailangan lang nating magpasyang umiwas dito at sumunod sa kalooban ng Diyos.