BAGONG UMAGA
Mapayapang araw ng Miyerkules mga masugid kong tagasubaybay ng programang ito. Pasalamatan natin ang Diyos sa papatapos nang buwan ng Enero, sa lahat ng biyayang tinanggap natin sa buong buwan. At humingi din tayo ng tawad sa ating mga pagkukulang at nagawang kasalanan. Kapistahan ngayon ni San Juan Bosco na isang pari, kinilala siyang ama at guro lalo na ng mga dilengkuwenteng kabataan. Ito po muli si Sr. Lina Salazar ng Daughters of St. Paul. Matutunghayan natin ang hindi pagkilala sa Panginoong Hesus ng Kanyang mga kababayan, kamag-anakan at sambahayan, sa Mabuting Balita ayon kay San Markos kabanata anim, talata isa hanggang anim.
Ebanghelyo: Mk 6:1-6
Pumunta si Jesus sa kanyang bayan, kasama ng kanyang mga alagad. Nang sumapit ang Araw ng Pahinga, nagsimula siyang magturo sa sinagoga.namangha silang lahat at nagsabi:”Ano’t nangyari kanya ang lahat ng ito? Saan kaya galing ang karunungang ito na ipinagkaloob sa kanya, at saan din kaya galing ang mga himalang ito na nagagawa ng kanyang mga kamay? Di ba’t siya ang karpintero? Ang anak ni Maria at kapatid nina Jaime, Jose, Simon at Judas? Hindi ba’t narito sa piling natin ang lahat niyang kapatid na babae?”At bulag sila tungkol sa kanya.
Sinabi naman sa kanila ni Jesus:”Sa kanyang sariling bayan lamang, sa sariling kamag-anakan at sambahayan hinahamak ang isang propeta.”At hindi niya nakayang gumawa ng himala roon. Ilang maysakit lamang ang pinagaling niya sa pagpapatong ng kamay. At namangha siya sa kawalan nila ng paniniwala.
PAGNINILAY
Isinulat ni Cl. Vinz Aurellano ng Society of St. Paul ang pagninilay sa Ebanghelyo. What makes our heart heavy? Mayroon po akong tatlong sagot. Una, our heart becomes heavy when we have closed minds. Sarado ang isip. Minsan kahit alam nating makabubuti pero ayaw nating tanggapin, dahil maaring masyado tayong mapagmataas, o bias tayo. Ikalawa, our heart becomes heavy when we are attached to everyone’s applause—people pleaser. Kailangan ako lagi ang magaling, kailangan ako’y walang bahid ng kasamaan. Ikatlo, our heart becomes heavy when we have closed hands. Takot magbigay, parang laging mauubusan. Sinasabi nga di ba, hands are the extensions of our hearts. Kaya kung ayaw umibig ng puso, sarado, sarado din ang ating mga kamay. Sa ating mabuting balita ngayong araw tila sarado ang mga taong nakapakinig ng mga turo ni Hesus. Sarado ang isip—kaya ang kanilang pagkamangha’y naging pagdududa. Ayaw malamangan, kaya busy silang pag-usapan ang mga pwedeng ipanghatak pababa kay Hesus. Sarado ang kanilang kamay—hahamakin si Hesus! Pero nakakagulat ang commentaryo ng ebanghelista sa nangyaring ito. Pagkatapos ng lahat, NAMANGHA pa din si Hesus sa dahilan ng labis nilang pagdududa. Mga kapatid, ano ang sinasabi sa atin ng mabuting balita ngayong araw? Hindi maikukubli ang bawat bagay na totoo at Mabuti na galing sa Diyos. Walang makakapigil sa mabuting hangarin ng Diyos. Kahit na ang kapangahasan ng tao.