Daughters of Saint Paul

HULYO 10, 2022 | IKA – 15 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON

Ebanghelyo: Lucas 10:25-37

May tumindig na isang guro nang Batas upang subukin si Hesus. “Guro, ano ang aking gagawin upang makamit ang buhay na walang hanggan?” “Ano ba ang nasusulat sa Batas, at paano mo ito naiitindihan?” “Mamahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buo mong puso at nang buo mong kaluluwa at nang buo mong lakas at nang buo mong pag-iisip. At nasusulat din naman: Mamahalin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” “Tama ang sagot mo. Gawin mo ito at mabubuhay ka.” Ngunit gustong mangatwiran ng guro ng Batas kaya sinabi niya kay Hesus: “At sino naman ang aking kapwa?” Sinagot siya si Hesus: “May isang taong bumaba mula sa Jerusalem papunta sa Jerico at nahulog siya sa kamay ng mga tulisan. Hinubaran siya ng mga ito at binugbog at saka iniwang halos patay na. Nagkataon namang may isang paring pababa rin sa daang iyon. Pagkakita sa kanya, lumihis ito ng daan. Gayundin naman, may isang Levitang napadaan sa lugar na iyon; nang makita siya’y lumihis din ito ng daan. Ngunit may isang Samaritano namang naglalakbay na napadaan sa kinaroroonan niya; pagkakita nito sa kanya, naawa ito sa kanya. Kaya’t lumapit ito, binuhusan ng langis at alak ang kanyang mga sugat at binendahan. Isinakay nito ang tao sa kanyang sariling hayop at dinala sa isang bahay-panuluyan at inalagaan. Kinabukasan, dumukot ang Samaritano ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi: ‘Alagaan mo siya; sasagutin ko ang anumang karagdagang gastos pagbabalik ko.’” At sinabi ni Hesus: “Sa palagay mo sino sa tatlong ito ang naging kapwa sa taong nahulog sa kamay ng mga tulisan?” “Ang nagdalang-habag sa kanya.” Kaya sinabi ni Hesus sa kanya: “Humayo ka’t ganoon din ang gawin.”

Pagninilay:

Ang pinakamahalagang tanong sa atin ng Mabuting Balita ngayon, sino ang iyong kapitbahay? May mga magulang po na labis ang sakripisyo para sa kanilang mga anak, sinsabing lahat ay gagawin para sa kinabukasan nila. Pero, hindi maglalaan ng oras para magka-usap sila at tanung ano ang problema nila. May mga tao pong sinasabing iaalay ang kanilang sarili sa paglilingko sa iba, pero ni hindi lililngapin ang mismong kapit bahay na nagugutom at naghihirap. May mga relihiyoso ding handang ilaan ang sarili sa misyon at adhikain pero hindi nakikisalamuha sa mismong komunidad na kaniyang kinabibilangan. Lalabas po sa mga pagkakataong ganito ang tunay na pag-uugali ng isang tao. May mga taong aminado silang hindi perpekto pero mas lubha ang kanilang pagmamahal sa Diyos at nakikita ito sa kanilang pagturing sa mga aba at sa pakikipag kapwa-tao. Kaysa sa yaong halos perpekto ang tingin sa kanilang pamumuhay pero wala namang pagmamahal sa kapit- bahay. Nasaan ang kaniyang pagmamahal sa Diyos na hindi nakikita, kung hindi niya kayang mahalin ang kapwa na nasa tabi lang niya? In today’s Gospel, we see a reversal of roles. The Levite and the Priest who by default or are expected to be loving, but were not. The Samaritan, despised by some because of being from an impure race, was all the more loving and caring. We can learn two things here: being a Christian is not a guarantee of being loving. I have seen Christians who behaved differently, were more judgemental, and had trust issues. I have non-Christian friends who are more loving and more christianly in their manner of treating other people. Who are not quick to judge and more inclusive. Sowe must be complacent and watch our behavior. We are not the good Samaritan here in the story, just because we bear the name Christian. And the act of kindness is far more important than being right, at all times. Pinili ni Hesus na bida sa kuwentong ito ang Samaritano, isang sampal po sa mga Hudyo. Dahil para sa kanila, ang mga Samaritano ay parang sinumpang lahi, sa dahilan pong sila at ang kanilang mga ninuno ay nagsipag asawa na ng hindi purong Hudyo, ‘product of intermarriages.’ Pero siya pa ang tumulong sa nangangailangan. Ang Levite po na taong simabhan o nagssisilbi sa templo at ang Pari ay hindi man lamang nag bigay ng panahon na tingnan ang sugatang lalaki. Marahil ay natatakot na baka ang nag nakaw at nanakit dito ay nasa paligid lamang at sila ay maari ding saktan. Maari ding ayaw nila parehong maabala, dahil marami silang gagawin sa templo. Ayaw mag aksaya ng isang sandali sa nangangailanagng tao. Oo, alam nila na may nagnagailangan ng tulong pero, sayang kasi ang oras na igugugol pa nila sa ibang bagay na mas mahalaga para sa kanila. Sa pagkakataong ito, bilang sagot sa katanungan ng abogadong nagtatanong, bibigyan siya ng halimbawa kung sino nga ang kapitbahay. HIndi niya kailangan ngayong mag-sisp kung hindi ay makiramdam, pakiramdaman ang sitwasyon. Ang paglingap sa kapit-bahay ay hindi kailangang pag-isipan pa ng malalim. Damhin ang kalagayan ng taong nasa daraanan mo at punan ano ang pangangailangan nito. Kapag nagawa mo ito, mas matatawag kang Kristiyano, tunay na tagasunod ni Kristo. Being a neighbor here goes above even the concept of religion and being religious. Christ is not aginst the Levite nor the Priest. He was pointing out that anybody can be a neighbor provided that he has the heart of a Samaritan. Free from discrimination and judgment and willing to disrupt his schedule and take time to feel and then act on what is needed at the moment. The Samaritan at that moment did not hear the cry of the wounded man, but he saw the man. The presence of the person lying in the street caught his attention and was moved with pity. In the same way, we may not hear the cries for hunger, justice, and equality but we can actually see injustices and poverty around us. But are we Samaritans who will act without bias and discrimination or the so-called believers who will profess with their lips the love for God, but will despise the neighbor and their needs because they have a different belief and value system and do not fit with their standard as neighbors? Para makamit ang buhay na walang hanggan, ang sagot ay nasa kasulatan. ‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nag nuong kaluluwa, nag buong lakas, at nang buong pag-iisip’; at ‘ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Mas madali sana na makamit ito kung ang sinabi lamang ni Kristo ay ‘mahalin mo lang ang Diyos’, marami ng first honor dito, lalao na yaong mga taong simbahan diba? O kaya naman, ay kung sinabi lamang ni Kristo na ‘mahalin mo lanag ang iyong kapwa’. May nanalo na, lalo pa yaong palagiang tumutulong sa kapwa. Pero ang nais Niya ay ang magmahal ng buong-buo. Ang pagmamahal sa Diyos na siyang magtutulak sa atin na mahalin natin ang ating kapwa, ang ating kapit-bahay. Hindi na bago ang pagmamahal na ito, itinuro na sa atin ito na Kristo. Madalas ay mahirap at napakasakit gawin ito, pero nagawa na ito ni Kristo. Kaya ipanalangin natin na magawa din natin ito.