Daughters of Saint Paul

HULYO 4, 2020 – SABADO SA IKA-13 NG LINGGO NG TAON

EBANGHELYO : Mt 9:14-17

Lumapit ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” Sinagot sila ni Jesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno. Walang magtatagpi ng bagong pirasong tela sa lumang balabal sapagkat uurong ang tagpi at lalo pang lalaki ang punit. At hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung gagawin mo ito, puputok ang mga sisidlan at matatapon ang alak at masisira rin ang mga sisidlan. Dapat lagyan ng bagong alak ang bagong sisidlan; sa gayo’y pareho silang tatagal.”

PAGNINILAY:

Ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo, isinulat ni Rev. John Francis Aberion, ng Rogationists of the Heart of Jesus. Napakagandang pagnilayan natin ang kahulugan ni Hesus sa ating buhay. Who is Jesus for you? Sino ba si Hesus sa inyong buhay? Paano niyo ba Siya naramdaman sa inyong buhay? It is good to examine ourselves kung paano nababago ni Hesus ang ating buhay. Sa ating Mabuting Balita ngayon, tila gustong malaman ng mga alagad ni Jesus ang patungkol sa pag-aayuno. Pero kung titignan nating mabuti, ang kanilang tanong ay patungkol sa pagkakakilanlan nila kay Hesus. In other words, gusto nilang malaman kung sino ba talaga si Hesus. Napaka-generous din ni Hesus sa pagpapaliwanag kung sino sya. Sa ating Ebanghelyong narinig, gustong ipakilala ni Hesus na siya na ang bagong tela at ang bagong alak. Yun naman pala e: ang presensiya ni Hesus ay isang hudyat ng bagong simula. Kadalasan nadadala siguro tayo sa mga problemang hinaharap natin. Sometimes, we may find ourselves asking kung may idudulot ba ang lahat ng ating pagpapakabuti at pagpapakabanal. Sometimes, we even ask ourselves: “What is the purpose of my life?” Mga kapatid, pinakita sa atin ni Hesus na siya ang bagong simula sa lahat ng bagay! He is the new beginning. Sana po, let us learn to turn to Jesus. He can tell us who we are and to whom we belong. Let our prayer be: “Halika Hesus, panibaguhin mo ang aking buhay!”  Amen.