Daughters of Saint Paul

HULYO 8, 2020 – MIYERKULES SA IKA-14 NA LINGGO NG TAON

EBANGHELYO : Mt 10:1-7

Tinawag ni Jesus ang Labindalawa niyang alagad at binigyan sila ng kapangyarihan sa maruruming espiritu para palayasin ang mga ito at pagalingin ang lahat ng sakit at karamdaman. Ito ang pangalan ng labindalawang apostol: una, si Simong tinatawag na Pedro, at ang kanyang kapatid na si Andres; si Jaime na anak ni Zebedeo, at ang kapatid nitong si Juan; sina Felipe at Bartolome, Tomas at Mateo, na tagasingil ng buwis; si Jaimeng anak ni Alfeo, at si Tadeo; si Simong Kananeo, at si Judas Iskariote na magkakanulo sa kanya. Sinugo ni Jesus ang labindalawang ito at pinagbilinan: “Huwag kayong lumiko papunta sa mga pagano at huwag pumasok sa bayang Samaritano. Hanapin ninyo ang nawawalang tupa ng sambayanan ng Israel. Ipahayag ang mensaheng ito sa inyong paglalakbay: ‘Palapit na ang Kaharian ng Langit.’”

PAGNINILAY:

Ibinahagi ni Rev. John Francis Aberion ng Rogationists of the Heart of Jesus ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Mga kapatid, pagnilayan natin sa araw na ito ang binigay na misyon ni Hesus sa kanyang mga disipulo. Lagi po nating tatandaan na ang buong buhay ni Hesus ay para sa Kaharian ng Diyos. Lahat ng gawin ni Hesus ay upang masimulan ang Kaharian ng Diyos dito sa ating mundo. Kung babasahin natin ang Mabuting Balita bago itong pagbasa ngayon, binigyang diin ni Hesus ang pagdarasal ng maraming manggagawa sa anihan ng Diyos. Dahil sa mabubuting manggagawa or “holy vocations,” it is possible to meet and welcome Christ in our hearts. Bago pa man magkaroon ng “mission-sending,” inaanyayahan na tayong lahat ni Hesus na bigyang pansin ang kakulangang ng mga tapat na lingkod ng Panginoon sa ating panahon ngayon. Ang bawat tapat na lingkod ay may kakayahang dalhin tayo sa Panginoon sa pamamagitan ng kanilang “mission.” Kaya po, before the mission-sending, let us pray for more holy vocations, first and foremost. Only then we can understand that every person who is called for the mission, must be an answered prayer – a prayer that comes from our hearts, asking the Lord to send us men and women who can inspire us to be drawn closer to the Lord. May our prayer be: “Lord Jesus, today, we experience the lack of servants, ready to serve the Father and His People. Please send more vocations today!”  Amen.