Ebanghelyo: Mt 5:13-16
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kayo ang asin ng mundo. Ngunit kung mawalan ng lasa ang asin, paano pa ito mapaaalat na muli? Wala na itong silbi. Itatapon na lamang at tatapakan ng mga tao. Kayo ang ilaw ng mundo. Hindi maitatago ang lunsod na itinayo sa tuktok ng bundok. Hindi rin sinisindihan ang ilaw para takpan ng kahon, sa halip ay inilalagay ito sa isang lampara at tumatanglaw sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman ang inyong liwanag sa paningin ng mga tao; at makikita nila ang inyong mabubuting gawa at pupurihin nila ang inyong Amang nasa Langit.”
Pagninilay:
Paano mo ginagamit ang iyong talino bilang asin at ilaw? Di ba handog ng Diyos ang talino natin? Dahil dito may kakayanan tayong matuto, umunawa, kumilala ng bago at harapin ang nakakapanubok na sitwasyon. Anuman ang nakikita natin at naririnig, hindi lang natin ito iipunin sa ating isip at puso. Tungkulin nating magbigay-kahulugan at magbigay-liwanag. Isa sa turo ng ating Simbahan sa pamumuno ni Pope Francis ay ang Doctrinal Note na Antiqua et Nova. Ang sinauna o antigo, at ang bago. It unites past and present in a changing world. Pinublish ito ng Dicastery for the Doctrine of the Faith and the Dicastery for Culture and Education. Tungkol ito sa ugnayan ng Artificial Intelligence at Human Intelligence. Kinikilala ng Simbahan ang husay ng Artificial Intelligence at buong sinop naman na pinanghawakan ang handog at halaga ng talino ng tao o ang Human Intelligence. Inilahad sa Antiqua et Nova ang importance ng pagkaroon ng marunong na pagpapasya at kung ano ang lugar natin sa cyberworld. Aha! Dito nasusubok ang ating pagiging asin at ilaw! Dapat sa paggamit ng talino, mas maingat tayong mag-ievaluate at gagamit ng AI kung sasamahan natin ng karunungan ng puso. Tulad sa mga productions na crafted by AI Technology. Hindi tayo dapat agad-agad bibilib at i-sishare sa iba. Bilang asin at ilaw, magresearch muna tayo sa mga credible websites, suriing mabuti ang AI generated content para hindi tayo ma-mislead ng mga misinformation. Oo, nakakaprocess ng information ang mga machines, pero tanging tayo na hinandugan ng talino at karunungan ang may kakayanang panindigan ang katotohanan na mula kay Kristo.