Ebanghelyo: Lucas 2, 41-51
Pumupunta taon tano sa Jerusalem ang mga magulang ni Hesus, para sa pista ng Paskuwa. Kayat ng mag labin dalawang taon na siya, umahon sila tulad ng nakaugalian
Para sa pagdiriwang subalit ng umuwi na sila pagkatapos ng mga araw ng pista, naiwan sa Jerusalem anng batang si Hesus ng hindi namalayan ng kanyang mga magulang, sap ag aakalang kasama siya sa ibang pang mga kasamahan, nag hapon silang nakipaglakbay. At noon nila hinanap ang bata sa mga kamag-anakan nila at mga kakilala. Nang hindi nila siya matakpuan. Bumalik sila sa Jerusalem sap ag hahanap sa kanya. At sa ikatlong araw natagpuan nila siya sa templon aka upong kasama ng mga guro, at nakikinig at nagtatanong sa kanila, at namangha sa kanyang talino at mga sagot ang nakarinig sa kanya. Nagulat ang kanayang mga magu lang pagka kita sa kanya. At sinabi sa kanyang ng kanyang ina. “Anak Bakit mo naman ito ginawa sa amin. Nagdusa nga ang iyong Ama at ako habang hinahanap ka namin? Ngunit sinabi nya sa kanila: At bakit nyo ako hinahanap diba hindi nyo baa lam na adapat nasa bahay ako ng kaing Ama. Peru hindi nila naintindihan ang sinabi niya sa kanila, kaya bumaba siyang kasama nila pa nasaret. At patuloy siya sa pagiging masunurin sa kanila. Iningatan naman ng kanyang Ina ang lahat ng ito sa kanyang puso.
Pagninilay
Iningatan at pinagbulay-bulayan ni Maria sa kanyang puso ang lahat ng nangyari sa kanila bilang mag-anak. Kung bubuksan natin ang puso ni Maria siguro po isa lang ang ating makikita— si Hesus! Kaya nga dalisay at talagang malinis ang puso ni Maria, dahil naroon lagi si Hesus.
Mga kapanalig, tayo kaya, kung maaari natin tignan ang laman ng ating puso, anu-ano, sinu-sino kaya ang makikita natin? Maraming magagandang bagay o tao ang maari nating masabi. Pero ang nakakalungkot po ay marami din sa atin na ang iniingatan sa puso ay sama ng loob, galit, hinanakit, poot. ‘Pag ‘yan po ang iniingatan natin wala diyan si Hesus. Kaya’t kung hindi malinis, marumi—anong aabutin? Sakit!
Sana po matularan natin si Maria. Pwede rin naman siya magkimkim ng hinanakit sa puso sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya. Pero mas pinipili niya ang sundin ang kalooban ng Ama, mas pinipili niya si Hesus na maging laman ng kanyang puso! At kung laging nasa puso natin si Hesus—tiyak na hindi tayo pababayaan ng Diyos at patuloy natin siyang kasama at tayo’y kanyang pagpapalain! Amen.