Daughters of Saint Paul

Hunyo 3, 2025 – Martes | Paggunita kay San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir

Ebanghelyo: Jn 17:1-11a

Tumingala si Jesus sa Langit at nagsalita: “Ama, sumapit na ang oras. Luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang makaluwalhati sa iyo ang Anak; ipinanagloob mo nga sa kanya ang kapangyarihan sa bawat tao at gusto mong pagkalooban niya ng walang hanggang buhay ang lahat ng bigay mo sa kanya. Ito naman ang buhay na walang hanggan: ang kilalalanin ka, ang tanging totoong Diyos at ang sinugo mong si Jesucristo. Niluwalhati kita sa lupa, ginanap ko ang trabahong ipinagawa mo sa akin. At ngayon, luwalhatiin mo ako, Ama, at ibigay sa akin na katabi mo ang luwalhating akin sa tabi mo bago pa man nagkaroon ang mundo. Ipinahayag ko ang pangalan mo sa mga taong kinuha mo sa mundo at ipinagkaloob sa akin. Iyo sila at sa akin mo sila ipinagkaloob, at tinupad nila ang iyong salita. At nakilala na nila na sa iyo galing ang lahat ng ipinagkaloob mo sa akin. Talaga, ipinagkaloob ko sa kanila ang mga salitang ipinagkaloob mo sa akin, at tinanggap nila at kinilalang tunay na sa iyo ako galing, at naniwala sila na ikaw ang nagsugo sa akin.  “Ipinagdarasal ko sila. Hindi ang mundo ang ipinagdarasal ko kundi ang mga ipinagkaloob mo sa akin dahil iyo sila. Iyo ang lahat sa akin, at akin din naman ang sa iyo, at naluwalhati ako sa kanila. Wala na ako sa mundo, ngunit nasa mundo pa sila habang papunta ako sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa Ngalan mo na ipinagkaloob mo sa akin, upang maging isa sila gaya natin.”

Pagninilay:

Ano ba ang misyon mo kapanalig? Narinig natin sa Mabuting Balita ngayon na sinabi ni Jesus sa Ama na, “Niluwalhati kita sa lupa, pagkatapos na gampanan ko ang ipinagawa mo sa akin” (v. 4). Kung ganon, sa ganitong paraan din natin maluluwalhati ang Diyos, sa pamamagitan ng ating maayos na pagganap sa misyon na ipinagkatiwala Niya sa atin. However, it will only happen if we will acknowledge that our good works were made possible because of God’s grace and not solely due to our own efforts. Kung minsan kasi nilalamon tayo ng kasikatan. Gumagawa tayo ng mabuti upang mapuri.

Kapanalig, hinahamon tayo ng Mabuting Balita ngayon na gampanan nang aayos ang ating misyon upang higit nating mailapit ang Diyos sa ating kapwang nalalayo na sa Kanya, at sila namaý maakay natin patungo o pabalik sa Diyos. Ang kaluwalhatian ay bonus na lamang pagkatapos nating gampanan ang misyon o gawain na iniatas sa atin.