Daughters of Saint Paul

Hunyo 7, 2025 – Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo: Jn 21:20-25

Pagkalingod ni Pedro nakita niya na sumusunod ang alagad na mahal ni Hesus., ang humilig sa dibdib niya nong hapunan at nag tanong. Panginoon sino ba ang magkakanulo sayo? Kaya pagkakita nito ni P edro sinabi niya kay Hesus. Panginoon ano naman ang mangyari sa kanya. Sinabi ni Hesus: ‘Kung loobin ko siyang manatili hanggang akoy pumarito, anong paki alam mo? Sumunod ka sa akin. Dahil dito may lumaganap na paniwala na hindi mamamatay ang alagad na ito, peru hindi naman sinabi ni Hesus na hindi mamamatay, kundi kong loobin ko siyang manatili hanggang sa aking pag dating. Ito ang alagad na nag papatunay tungkol sa mga bagay na ito at sumulat ng mga ito. Alm nnamin na totoo ang kanyang pag papatunay. Marami pang ibang ginawa si Hesus na kung masusulat ng mga iyon na isa-isa sa tansya koy hindi magkakasya sa mundo ang maisusulat na mga aklat.

Pagninilay:

“You come and follow me…” Ito ang sagot ni Hesus sa tanong ni Simon Pedro, “How about him, Lord?” “What concern is it of yours,” sagot ni Hesus. Oo nga naman, ‘pag tinawag tayo ni Hesus, ang ating primary concern should be, ang pagtugon sa kanyang tawag. “Yes, Lord, I will follow you.” Hindi dapat, eh bakit ako? Bakit ‘di siya? ‘Di ba meron tayong attitude na ikino-compare natin ang sarili sa iba? Bakit mas matalino siya? mas successful kaysa akin? mas mataas ang pinag-aralan? Bakit parang ipinagkaloob na yata sa kanya ni Lord ang lahat ng positive qualities? Bakit ako ganito lang?

Kapanalig, alalahanin natin na pinagkalooban tayong lahat ng Diyos ng mga biyayang kinakailangan natin to achieve holiness. Ang susi ay nasa ating puso. Bukas ba ang ating puso at kalooban sa pagtugon sa tawag ng Panginoon? O sinasayang ba natin ang pagkakataon at mga biyayang ipinagkaloob sa atin by comparing ourselves to others unnecessarily? By thinking that they are more blessed than we are? At dahil dito hindi natin maibigay nang tama at ganap ang ating sarili at buong kakayahan kay Lord at sa misyon na iniatang niya sa ating mga balikat. 

Kapanalig, ngayong bisperas ng Pentekostes, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ni Maria, Reyna ng mga Apostoles. Matuto nawa tayong tularan ang halimbawa ni Maria na naging bukas sa inspirasyon ng Espiritu Santo at laging handang gawin ang kalooban ng Diyos sa bawat sandali ng buhay. Hilingin natin sa ating Mahal na Ina na tulungan tayong laging maging handang tanggapin ang Banal na Espiritu sa ating mga puso.