Ebanghelyo: Mateo 18:15-20
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Kung nagkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan; at kung makinig siya sa iyo, tinubo mo na ang iyong kapatid. Kung hindi naman siya makinig sa iyo, magsama ka ng dalawa o tatlo para lutasin ang kaso sa pagsaksi ng dalawa o tatlo. Kung tatanggi siyang makinig sa kanila, sabihin ito sa Iglesya; at kung hindi pa rin s’ya makikinig sa Iglesya, ituring siyang pagano o publikano. Talagang sinasabi ko sa inyo: ang talian n’yo sa lupa ay matatali rin sa Langit, at ang kalagan n’yo dito sa lupa ay kakalagan din sa Langit. Sinasabi ko rin sa inyo: kung dito sa lupa ay may dalawa sa inyo nagkakaisang humihingi ng anuman, gagawin ito para sa kanila ng aking Amang nasa Langit. Sapagkat kung saan may dalawa o tatlong nagkakatipon sa Pangalan ko, kapiling nila ako.”
Pagninilay:
Ano ang pinipili mong payong kapag umuulan, (show 2 umbrellas) Automatic not foldable o automatic foldable? Syempre ang pipiliin mo, yung masaya mong gagamitin. Sa ginagawa naman nating choices araw-araw, tulad sa pakikitungo mo sa iyong pamilya, sa iyong kaibigan, sa iyong kasamahan sa sambahayan? Ano ang iyong pinipili? Hindi ba kasayahan, lalo na kung nagtutugma ang inyong mga interes? Ganundin ang malalim na pag-uusap tungkol sa sari-sariling karanasan. Kadalasan, hindi matapos-tapos ang salitan ng kuwento. Sa madalas na kuwentuhan, nagiging at home na sa isa’t isa. Nagkaka-unawaan na ng strengths and weaknesses. Pero, hindi palaging magaan. Dumarating ang hindi pagka-kaunawaan – dahil sa iba’t ibang values, prinsipyo o pananaw. O kaya may nasabi o naikilos na hindi sinasadya. Sa kabila nito, di ba tinatanong pa rin natin sa ating sarili: “Ano ang pipiliin ko?” Oo, may takot, hiya o pangamba. Pero mas pinipili natin ang magandang ugnayan. Kaya sumusuko tayo sa process of reconciliation. Nagda-dialogue. Nangyayari ito sa everyday conversations namin sa dining table sa convent. Mayroon din kaming Sisters na ka-journey sa formation at mga kapalagayan ng loob. Marami na rin kaming napagdaanang krisis ng pakikipag-ugnayan. Pero at the end of the day, kasayahan pa rin ang choice namin. Kaya nakikipagkasundo kami sa isa’t isa. Napapagsi-kapan namin ito dahil si Hesus Maestro ang sinusundan naming tala.