Ebanghelyo: Mateo 23:23-26
Sinabi ni Jesus: Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Hindi n’yo nalilimutan ang mint, anis at kumino sa pagbabayad ninyo ng ikapu ngunit hindi ninyo tinutupad ang pinakamahalaga sa Batas: ang katarungan, awa at pananampalataya. Ito ang nararapat isagawa na hindi kinakaligtaan ang iba. Mga bulag na tagaakay! Sinasala ninyo ang lamok subalit nilulunok ang kamelyo. Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nililinis ninyo ang labas ng plato at kopa ngunit pinupuno naman ninyo ang loob ng pagnanakaw at karahasan at binabasbasan ninyo ang mga ito. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang loob, at lilinis din ang labas.
Pagninilay:
Makintab ba ang iyong tasa, o walang glow? Wait, alin nga ang makintab, loob o labas? Pero kumustahin natin sa loob? Katulad nitong tasa, ang nakasulat sa labas; AMORE! PAG-IBIG! Pero sa loob, yay, madumi. Ito ang ibig ipa-check at ipa-reflect sa atin ng ating Hesus Maestro. Ang kalinisan ng loob. Baka kasi sa labas lang tayo bagong linis, pero ang loob panis. Tuwing Sunday sa church, laging nasa front row, pero ang puso, hallow. Nagpi-pray ka aloud, pero di marunong magmahal. Patuloy ka pa ring judgmental. Real talk , friend, hindi sapat ang pa-holy, kung ang sa dibdib mo puro bitterness and worry. Actually, hindi contest ang the best Christian look. Ang tunay na kabanalan, hindi lang sa facebook. Kapanalig, i-practice natin ang inner purity. Magpakatotoo tayo. Ang pagpapakalinis, hindi naman lokohan. Let us admit our flaws, yung mga struggles natin, ang ating pride. Kung i-expose natin ito sa ating Hesus Maestro, tuturuan Niya tayong maging pure. I-align natin ang ating puso sa puso Niya. Spend time na silipin natin ang ating ego. Pray honestly and be true. I-check din natin ang ating motives sa pagtulong. “Do I truly care o uhaw ako sa praise? Sa mabuti kong gawa, naka-focus ba ‘ko sa kung ano ang benefits na marereceive ko?“ Alam ni Lord ang hugot ng puso natin. Hindi naman Siya nag-eexpect ng ating perfection, di ba? Ang gusto Niya: honest self-correction. Ang tanong: May ikinukubli pa ba tayong dumi sa ating Hesus Maestro? Kung nagbubukas ka na ng damdamin sa Kanya, ano ang ibig mong ipalinis sa Kanya? Tiyak kapag malinis ang ating tasa, masarap inuman, di ba?
- Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Pual