Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Disyembre 1, 2025 – Lunes, Unang Linggo ng Adbiyento | San Eligio

Ebanghelyo: Mateo 8:5–11

Pagdating ni Hesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang kapitan at nakiusap sa kanya: “Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap. “Paroroon ako at pagagalingin ko siya.” Panginoon “Hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na ang aking katulong. Mababa nga lang ang ranggo ko pero pag sinabi ko sa isa sa mga kawal na nasa ilalim ko: ‘Pumaroon ka,’ pumaparoon siya. At sinasabi ko naman sa isa pa: ‘Pumarito ka,’ at pumaparito siya; at sa aking katulong: ‘Gawin mo ito,’ at ginagawa niya ito.”

Nang marinig ito ni Hesus, humanga siya at sinabi sa mga sumusunod sa kanya: “Sinasabi ko sa inyo, wala pa akong natagpuang ganitong paniniwala sa Israel. Sinasabi ko sa inyo: marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran para makisalo kina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng Langit.

Pagninilay:

Kapanalig, ano ang Christmas wish mo? Nasabi mo na ba ito kahit kanino o itinatago mo lang ito sa iyong puso? Hindi po naming nakasanayang magkakapatid noong lumalaki kami na mag-wish ng regalo kapag malapit na ang Pasko. Kung meron man kaming gusto, pag-iipunan namin ito o mananatiling sikreto sa aming kalooban dahil mahirap lang kami – at walang lugar ang wishes. Pero alam n’yo, laging merong sorpresa ang Diyos. Lagi siyang nanggugulat. Kasi kahit hindi mo masabi kung ano ang gusto mo, makakamit mo ito pagdating ng Pasko. Minsan nga, mas higit pa sa inaasam mo ang natatanggap mo.

Gaya ng kapitang Romano sa Mabuting Balita ngayon na lumapit kay Jesus at nakiusap: “Ginoo, nakahiga sa bahay ang aking katulong. Lumpo siya at sobra na ang paghihirap.” Laking gulat niya sa sagot ni Jesus na: “Paroroon ako at pagagalingin ko siya.” Kaya naman napabulalas siya: “Hindi ako karapat-dapat para tumuloy ka sa bahay ko. Mag-utos ka lang at gagaling na siya.” Humanga si Jesus sa kanyang pagsampalataya at kababaang-loob.

Alam ni Jesus ang laman ng ating puso, ang ating mga minimithi at pangarap. Pero hindi siya nanghihimasok. Kailangan nating lumapit sa kanya at magsabi kung ano ang gusto natin nang may kababaang-loob. Binubuksan ng panalanging nagtitiwala ang daan sa biyaya at grasya na higit pa sa pinapangarap natin. Kapanalig, ngayong Adbiyento naghahanda ka bang gulatin ang Diyos at magpagulat sa kanya?

Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughters of St. Paul