Ebanghelyo: Juan 5:33-36
Nagsugo rin kayo kay Juan at binigyang-patotoo niya ang katotohanan. Ipinaaalala ko ito dahil sa inyo para maligtas kayo, ngunit hindi ko hangad ang patotoong mula sa tao. Isa ngasiyang ilaw na may sindi at nagningning, at ginusto ninyong magalak pansamantala sa kanyang liwanag. May patotoo naman ako na higit pa kaysa kay Juan – ang mga gawang ibinigay sa akin ng Ama upang tuparin ko ang mga iyon. Ang mga gawang ginaganap ko ang ay nagpapatotoo na sinugo ako ng Ama.
Pagninilay:
Ngayon po ay sinisimulan natin ang napakagandang tradisyon –Ang mga Simbang gabi. Ito’y ating nobenaryo para sa pagsilang ng Panginoong Hesus—alay sa Mahal na Birheng Maria. At ngayong unang araw binigyan tayo ng napakagandang karakter na siyang gagabay sa ating nobenaryo—si San Juan Bautista.
Inilarawan siya bilang maningning at nagdiringas na ilaw sa ating napakinggang Ebanghelyo. Kung gayo’y walang lugar ang dilim sa kanyang buhay at pagkatao—kaya nga’t siya ay perfect na tagapagbalita, tagapagpahayag ng totoong ilaw na siyang papawI sa lahat ng dilim—si Hesus.
Ang hamon sa atin ng Ebanghelyo ay ito: madali bang nakikita si Hesus sa ating pag-iral araw araw? Nakikilala ba si Hesus sa ating pananalita at asal? Madali bang makilala si Hesus dahilan sa ating pagiging mabuting saksi?
Kung oo, tunay tayong nagiging Juan sa ating simpleng pamamaraan—maningning at nagdiringas! Baka yung simpleng good morning sa kapwa, yung konting ngiti kahit mahirap ang buhay, at yung konting kumusta maging ilaw at init upang tuluyang madamang si Hesus ay tunay at totoong darating siya. Amen.
- Fr. Vinz Arellano, ssp l Society of St. Paul