Ebanghelyo: Lucas 1:5-25
Sa kapanahunan ni Herodes na hari ng Judea, may isang paring nagngagalang Zacarias, mula sa pangkat ni Abias. Mula rin sa lahi ni Aaron ang kanyang asawa na si Elizabeth ang pangalan. Kapwa sila matuwid sa harap ng Diyos at namumuhay nang walang kapintasan ayon sa lahat ng Batas at Kautusan ng Panginoon. Ngunit wala silang anak dahil baog si Elizabeth at kapwa matanda na sila.
Minsan, habang naglilingkod si Zacarias sa harap ng Diyos nang turno pa ng kanyang pangkat nagpalabunutan sila, ayon sa kaugalianng kaparian at siya napiling pumasok sa santuaryo ng Panginoon para mag sunog ng insenso. Kaya sa oras ng pag-aalay ng insenso habang nanalangin ang buong bayan sa labas, napakita sa kanya ang Anghel ng Panginoon, nakatayo sa gawing kanan ng altar ng insenso. Naligalig si Zacarias at sinidlan ng takot pagkakita rito.
Ngunit sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Zacarias; dininig na ang iyong panalangin. Ipanganganak sayo ng asawa mong si Elizabeth ang isang anak na lalaki, at pangangalanan mo siyang Juan magiging maligaya at tuwa mo siya, At marami rin ang magagalak dahil sa kanyang pagsilang. Magiging dakila nga siya sa harap ng Panginoon. Hindi siya iinum ng alak, ng ubas, o ng butil at mapuspos siyang Espiritu Santo, mula sa sinapupunan ng kanyang Ina. Panunumbalikin niya ang maraming anak ng Israel sa Panginoong kanilang Diyos. Manunguna siya sa kanya, taglay ang diwa at kapangyarihan ni Elias para pagkasunduin ang mga magulang at mga anak. At ibalik ang mga masuwayin, sapag unawang bagay sa makatarungan, upang maihanda ang isang bayang angkop sa Panginoon”
Sinabi namn ni Zacarias sa Anghel: “Papaano ko ito matitiyak? Matanda na nga ako at may katandaan na rin ang aking asawa.” “Ako si Gabriel na nasa harap ng Diyos. Ako ang sinugo sayo para kausapin kat ihatid ang magandang balitang ito. Matutupad sa takdang panahon ang aking mga salita; ngunit ikaw na di naniniwala ay maging pipi at di makapagsasalita hanggang sa araw na mangyayari ang mga ito.” Naghihinataý naman kay Zacarias ang bayan at nagtataka sa pagtatagal niya sa loob ng Santuaryo. Nang lumabas na siya, hindi na siya makapagsalita. Kaya nalaman niyang nakakita siya ng isang pangitain sa loob ng Snatuaryo. Sumisinyas na lamang siya sa kanila at nanatiling pipi. Nang matapos na ang panahon ng kanyang paglilingkod, umuwi si Zacarias. At pagkaraan ng mga araw, nagdalantao ang asawa niyang si Elizabeth ngunit limang buwan itong hindi lumalabas ng bahay at sinabi: Ganito ang ginawa ng Panginoon! Na nagpasyang alisin ang kahihiyan ko sa paningin ng mg tao.
Pagninilay:
Hindi ko makakalimutan ang mga panahong parang walang sagot ang mga dasal ko. Parang si Zacarias at Elisabet na matagal nang nananalangin sa Diyos pero tila tahimik ang langit sa kanila. Pero hindi pala ibig sabihin ng katahimikan ay kawalan na ng plano. At yun nga, dumating ang sagot sa oras na hindi nila inaasahan. At hindi lang basta sagot kundi isang himala.
Minsan, gaya ni Zacarias, nagdududa rin ako. Napapagod at maraming tanong, “Totoo pa ba ang pangako?” Pero kahit sa pag-aalinlangan gumagalaw pa rin pala ang Diyos. At napagtanto ko na hindi Niya pala ako pinaparusahan kundi tinuturuan pala Niya akong magtiwala sa Kanya.
Tandaan po natin na ang katahimikan ay hindi parusa sa atin, kundi paghahanda. At ang bawat paghihintay natin ay hindi sayang, kundi bahagi ito ng ating kwento. At ang sagot pa ng Diyos ay laging may layuning higit sa inaasahan ko. Kaya ngayon, kahit hindi ko pa nakikita ang sagot, Pipiliin kong maniwala dahil ang Diyos ay laging tapat.
- Fr. Ronel Soriano, ssp l Society of St. Paul