Ebanghelyo: Lucas 1:67-79
Napuspos ng Espiritu Santo si Zacarias at nagpropesiya ng ganito:
“Purihing nang Panginoon, ang Diyos ng Israel,
dahil nilingap niya at tinubos ang kanyang bayan.
Mula sa sambayanan ni David na kanyang lingkod,
Ibinangon niya ang magliligtas sa atin,
Ayon sa ipinako niya noong una
Sa pamamagitan ng mga banal niyang propeta:
Kaligtas mula sa ating mga kaaway at sa kamay ng mga namumuhi sa atin.
Nagpakita siya ng awa sa ating mga ninuno
At inalaala ang banal niyang tipan,
Ang pangakong sinumpaan niya sa ating amang si Abraham
Na ililigtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway,
Upang walang takot natin siyang mapaglingkuran,
Nang may kabanalan at katarungan sa harap niya sa buong buhay natin.
At ikaw naman na munti pang anak ay tatawaging propeta ng kataas-taasan.
Mangunguna ka nga sa panginoon para ihanda ang kanyang daan.
Ituturo mo ang kaligtasan sa kanyang bayan
sa pagpapatawad niya sa kanilang sala.
Ito ang gagawin ng maawain Diyos sa pagpapasikat niya sa atin
ng araw na galing sa kaitasaan.
Upang liwanagan ang nanatili sa kadiliman
at sa lilim ng kamatayan, at akayin natin ang mga yapak
sa daan ng kapayapaan.”
Pagninilay:
Anong hinihintay mo? Pasko? Magandang araw, Fr Idris po ng Diosesis ng Antipolo. Bakit ka pa naghihintay? Tapos na ang paghihintay. Sa pagbubukang liwayway, Pasko na! Napuyat tayo sa mga Simbang Gabi. Nainip tayo sa dami ng “countdowns” bago ang Christmas. Buti na lang, bukas, Pasko na. Hindi ba ang saya?
Iyan din ang karanasan ni Zechariah sa ating Eabanghelyo ngayon. Hindi siya nakapagsalita sa loob ng nine months, dahil sa hindi niya pagsampalataya. Buti na lang, tapos na ang paghihintay, sinilang na si Juan, na anak niya. Ang kanyang pagkapipi nagwakas. Sa kanyang katandaan, ang anak na matagal na hinintay, ibinigay.
Salamin din ito ng karanasan ng Israel. Sa loob ng 400 years wala silang propeta. Sa matagal na panahon hindi sila kinibo ng Diyos. Galit ang Panginoon. Pero sa pagsilang ni Juan, na isang propeta, nangusap muli ang Diyos sa kanila. At ang mensahe ng Diyos, kapatawaran, katarungan, kapayapaan, katapatan … sa pagsilang din naman ni Hesus. Buti na lang, bukas, Pasko na. Hindi ba ang saya?
- Fr. Idris Francisco l Diosesis ng Antipolo