Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Disyembre 31, 2025 – Miyerkules, Ika-7 Linggo ng Pagdiriwang sa Pasko ng Pagsilang | San Silvertre 1, papa

Ebanghelyo: Juan 1:1-18

Sa simula’y may Wikang-Salita na nga, at kaharap ng Diyos ang Salita, at Diyos ang Salita. Kaharap na nga siya ng Diyos sa simula.

       Sa pamamagitan niya nangyari ang tanang bagay, at kung wala siya, walang anumang nayari. Ang nayari ay buhay sa kanya, at liwanag ng tao ang buhay. Sa karimlan sumikat ang liwanag at hindi na ito nahadlangan ng karimlan.

         May taong sinugo ang Diyos—Juan ang kanyang pangalan. Dumating siya para magpatotoo, para magpatotoo tungkol sa liwanag, upang maniwala ang lahat sa pamagitan niya. Hindi yon liwanag kundi patotoo tungkol sa liwanag. Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang tumatanglaw sa bawat tao.

          Bagamat nasa mundo siya at sa pamamagitan niya nagawa ang mundo hindi siya kilala ng mundo. Sa sariling kanya siya pumarito at hindi siya tinanggap sa mga kanya. Ngunit sinumang tumanggap sa kanya sa paniniwala sa kanyang Pangalan, binigyang kakayahan nga sila na maging mga anak ng Diyos. Hindi mula sa dugo ang kanilang pagsilang, ni mula sa kagustuhan ng laman ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula sa Diyos.

           At naging laman ang Wikang-Salita at itinayo ang kanyang tolda sa atin, at nakita natin ang kanyang kaluwlkhatian, ang kaluwalhatiang mula sa Ama na bagay mula sa bugtong na Anak, kaya lipos sa ng kagandahanng-loob at katotohanan.

            Nagpatotoo sa kanya si Juan at isinigaw: “Siya ang aking tinukoy: nagpauna na sa akin ang dumating na kasunod ko, sapagkat bago ako’y siya na.”

             Mula nga sa kanyang kapuspusan nga tumanggap tayong lahat,– oo, abut-abot na kagandahang loob. Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan ni Jesucristo naman dumating ang kagandahang-loob at ang katotohanan. Kailanma’y walang sinumang nakakita sa Diyos; ang Bugtong na Anak lamang ang nagpahayag sa kanya, siya ang nasa kandungan ng Ama.

Pagninilay:

  • Bro. Anjon Mamunta, ssp l Society of St. Paul