Ebanghelyo: Mateo 9:27-31
Sumunod sa kanya ang dalawang bulag na lalaki na sumisigaw: “Anak ni David, tulungan mo kami!” Pagdating niya sa bahay, inabutan siya ng mga bulag at sinabi ni Hesus sa kanila: “Naniniwala ba kayo na may kapangyarihan ako para gawin ang ang gusto ninyong mangyari?” “Oo, Ginoo!” Hinipo ni Hesus ang kanilang mga mata at sinabi: “Mangyari sa inyo ang inyong paniniwala.” At nabuksan ang kanilang mga mata. Mahigpit naman silang tinagubilinan ni Hesus: “Mag-ingat kayo at huwag sabihin ito kanino man.” Ngunit pagkaalis nila, ipinahayag nila siya sa buong bayan.
- Bro. Anjon Mamunta, ssp l Society of St. Paul