Ebanghelyo: Juan 1, 19-28
Ito ang pagpapatotoo ni Juan, nang suguin sa kanya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang ilang mga pari at mga Levita para tanungin siya: “Sino ka ba?” “Hindi ako ang Kristo.” Ano ka kung gayon? Si Elias ka ba?” “Hindi.” Ang propeta ka ba?” “Hindi” “Sino ka ba? Para may maisagot kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ba ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?” “Ako ang ‘tinig ng sumisigaw sa ilang, “tuwirin ninyo ang daad ng Panginoon.”: “At bakit ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo, ni si Elias, ni ang Propeta?” Sa tubig lang ako nagbibinyag, ngunit kasama naman ninyo siyang nakatayo na hindi pa ninyo nakikilala. Dumating siyang kasunod ko pero hindi ako karapat-dapat na magkalag ng panali ng kanyang panyapak.” Sa Betaraba nangyari ang mga ito, sa kabilang ibayo ng Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.
Pagninilay:
HI! Nangyari na ba ‘to sa’yo? Noong nasa Italy ako, may matandang pari na nagtanong: ‘Koreana ka, ‘no?’
Sabay sagot ko: ‘Hindi po!’
‘Indonesia?’ ‘Hindi po.’
‘Vietnam?’ ‘Hindi rin po.’
‘Ah, China!’ ‘Hindi po talaga!’
‘Eh, taga-saan ka ba?’ ‘Pilipinas po!’
Sa mukha at pananalita lang siya nag-base. Pero iba si Juan Bautista, ‘di ba? Dahil sa “gawa at kilos” niya nagtanong ang mga tao: ‘Sino ka nga ba?’ At solid ang sagot niya: ‘Ako ang tinig ng sumisigaw sa ilang—tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon!’ Alam niya kung sino siya at kung ano ang misyon niya.
Mahalaga ‘to sa atin ngayon—ang pagkakakilala sa sarili. It’s what makes you, you. At alam mo bang malaki ang connect nito sa mental health natin? Kapag solid ang self–identity mo:
– Hindi ka kaagad maa-anxiety sa problema
– Hindi ka madaling ma-down
– Mas confident ka at positive ang mindset mo. Kahit ano pa sabihin ng iba—praise man o bash—hindi ka matitinag.
“Pero heto ‘yung deepest truth: Beyond nationality, beyond career, beyond achievements… Kapanalig, ang pinakamalalim na identity mo. Anak ka ng Diyos. Minamahal ka. Inampon ka sa pamilya Niya. Sabi ni San Pablo: ‘We are citizens of heaven.’ Ibig sabihin, nilikha tayo para sa forever.
Ano ang sinasabi sa ating ng Mabuting Balita ngayon? Gaya ni Juan Bautista:
Huwag mong kalimutan kung sino ka talaga — hindi lang taga-Pilipinas, kundi taga-langit.
Tuklasin mo at gawin ang mission mo — ‘yung purpose na iniwan ng Diyos para sa’yo.
Kaya today, sa gitna ng pressure at ingay ng mundo, tandaan mo: You belong. You have worth. You have a purpose.
Challenge ko sa’yo: Isulat mo sa notes or i-comment mo—ano yung isang bagay na nagpapaalala sa’yo kung sino ka talaga? Let’s remind each other, kapatid/kapanalig. You are loved.