Ebanghelyo: Mateo 9,14-17
Lumapit ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” Sinagot sila ni Hesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Walang mag tatagpi ng bagong tela sa lumang balabal sapagkat uurong ang tagpi at alo pang lalaki ang punit. At hindi karin naman mag lalagay ng bagong alak sa lumang sisidlan. Kung gagawin mo ito, puputok ang mga sisidlan at matatapon ang alak. At masisira rin ang mga sisidlan. Dapat lagyan ng bagong alak ang bagong sisdlan, sa gayo’y pareho silang tatagal.
Pagninilay:
Ano ang mas painful, ang pisikal na sakit o ang hinanakit? Pakitaas ng kamay kung hinanakit para sa iyo ang mas masakit. Lalo na kung paulit-ulit ito at hindi nabibigyan ng tamang solusyon. Baka masabi n’yo si Sister, may hugot. Oo, naman. Nangyari na sa akin ito. This time, gusto kong i-share dahil malaki ang naitulong sa akin ang pagkumpuni/ paghilom ng malalim na sugat. Noon, tinatagpian ko ito ng pag-iwas sa taong nakasakit sa akin. Ayaw ko siyang makita dahil siniraan niya ang aking reputasyon. Dahil nga parang may storm surge sa sarili kong kalooban, hindi rimedyo ang tagpi. Lalong nawawarak. Hindi pala magandang solusyon ang i-ignore mo lang, o kimkimin. Ang sarili kong sisidlan, pumuputok dahil I could not contain the pain. Nangyari ito noong nasa Juniorate Formation ako. Sa aking prayers, narinig ko ang tugon: “Hilumin mo ang sugat na malalim.” Araw-araw, naghahanap ako ng konkretong paraan. Isang araw habang nakikinig ako sa Youtube music. Nag-play ang song na “Change my heart, O God. Make it ever true. Change my heart, O God. May I be like you.” Iba ang dating sa akin. Ang puso ni Lord ang ipantatagpi ko sa aking puso? Ang puso ni Lord ang gagawin kong lalagyan sa pagtanggap ng nagaganap na pagsubok sa aking buhay? Simula noon, binigyan ko ng chance ang puso ko na matulad sa puso Niya. At maingat naman Niya akong inalalayan. Everyday pala may renewal kapag puso Niya ang titibok sa puso mo. Flexible sa pagtanggap ng mga tinik, pait, sakit. Ang mga hinanakit, nagmimistulang awit.
Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of St. Paul