Ebanghelyo: Lc. 1:57-66. 80
Nang sumapit na ang panganganak ni Elizabeth, isang anak na lalaki ang isinilang niya. Narinig ng kanyang kapitbahay at mga kamag-anakan na nagdadalang-awa sa kanya ang Panginoon kayat nakigalak sila sa kanya.
Nang ikawalong araw na, dumating sila upang tuliin ang sanggol at pangangalanan sana nila itong Zacarias gaya nga kanyang ama. Sumagot naman ang kanang ina: “Hindi, tatawagin siyan Juan.” Pero sinabi nila sa kanya: “Wala ka namang kamag-anak na may ganyang pangalan.” Kaya sumenyas sila sa ama ng sanggol kung ano ang gusto niyang itawag dito. Humingi siya ng masusulatan, at sa pagtataka ng lahat ng kanyang isinusulat: “Juan ang pangalan niya.” Noon di’y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang kanyang dila. Nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos.
Kaya namayani ang banal na pagkatakot sa kanilang kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa boung mataas na lupain ng Juda. Nag-isip-isip ang mga naririnig at nagtanungan: “Ano na kaya ang mangyayari sa sanggol na ito? “ dahil sumasaknyang talaga ang kamay ng Panginoon.
Napuspos ng Espiritu Santo si Zacarias at nagpropesiya ng ganito:
“Purihing nang Panginoon, ang Diyos ng Israel,
dahil nilingap niya at tinubos ang kanyang bayan.
Mula sa sambayanan niDavid na kanyang lingkod,
Ibinangon niya ang magliligtas sa atin,
Ayon sa ipinako niya noong una
Sa pamamagitan nn mga banal niyang propeta:
Kaligtas mula sa ating mga kaaway at sa kamay ng mga namumuhi sa atin.
Nagpakita siya ng awa sa ating mga ninuno
At inalaala ang banal niyang tipan,
Ang pangakong sinumpaan niya sa ating amang si Abraham
Na ililigtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway,
Upang walang takot natin siyang mapaglingkuran,
Nang may kabanalan at katarungan sa harap niya sa buong buhay natin.
At ikaw naman na munti pang anak ay tatawaging propeta ng kataas-taasan.
Mangunguna ka nga sa panginoon para ihanda ang kanyang daan.
Ituturo mo ang kaligtasan sa kanyang bayan
sa pagpapatawad niya sa kanilang sala.
Ito ang gagawin ng maawain Diyos sa pagpapasikat niya sa atin
ng araw na galing sa kaitasaan.
Upang liwanagan ang nanatili sa kadiliman
at sa lilim ng kamatayan, at akayin natin ang mga yapak
sa daan ng kapayapaan.”
Pagninilay: