Daughters of Saint Paul

Mabuting Balita l Mayo 17, 2026 – Linggo

Ebanghelyo: Mateo 28:16-20

Pumunta sa Galilea ang Labing-isang alagad, sa bundok na itinakda ni Hesus. Pagkakita nila sa kanya, sumamba sila, ngunit may nag-aalinlangan pa. At nilapitan sila ni Hesus at sinabi: “Ibinigay sa akin ang buong kapangyarihan sa Langit at sa lupa. Kaya humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng bansa. Binyagan sila sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan sila na sundin ang lahat ng iniutos ko sa inyo. Kasama ninyo ako at sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng panahon.”

Pagninilay:

Humayo at ihayag. Kilala ito bilang isang kanta sa simabahan. Subalit sa Linggong ito, ito ang hamon at atas sa atin ni Kristo. Ipinagdiriwang nating ang pag-akyat ni Hesus pabalik sa Ama o Ascension Sunday. Ipinapahayag natin na si Kristo ay bumalik sa kalangitan, hindi upang mawalay sa atin o iwan tayo kundi para ituro sa atin kung saan tayo papunta, ang hantungan ng buhay, sa tahanan ng Ama. At ipinangako rin niya sa mga alagad sa huling linya ng ating Ebanghelyo, kasama ninyo ako hangang sa wakas ng panahon. Hindi niya tayo iniwan, kundi itinuro ang habang buhay na tahanan.

At bago umakyat si Hesus ibinilin niya sa mga alagad ang dalawang bagay. Ang paghayo at pagpapahayag. Go into the nations and baptize them in the name of the Father, and the Son, and the Holy Spirit. Hindi lang ito simpleng pagpapadala kundi binigyan din sila ang kapangyarihan at atas na gawing kaanib ng simbahan ang lahat ng mga bansa. Upang ang lahat ay maging kaisa sa buhay at misteryo ng Diyos. At ito rin and sinasabi at inaatas sa atin sa bawat pagtatapos ng misa. Kaya naririnig natin ang salitang Go o humayo kayo. Ipinapadala rin tayo katulad ng mga apostol.

Kasabay ito ng pagpapahayag. Hindi lang sa salita subalit higit sa ating gawa at pamumuhay, sa ating pakikipag-kapwa-tao at pagiging tao. Sa taong ito, ibinigay ni Pope Leo XVI ang temang Preserving human voices and face para sa Linggong ito ng World Communication Sunday. Tugon ito sa lumalaganap na paggamit ng AI o Artificial intelligence. Sinasabi rito na dapat gamitin ang AI bilang “ally” o tulong sa komuni-kasyon at hindi para palitan ang tao sa pakikipag-relasyon.

Sa kabila ng magandang dulot nito sa paggamit ng tama, pinapaalalahan din tayo sa mga panganib kung aabusuhin at gagamitin sa mali. Tulad ng deepfakes o pag gamit ng mukha at boses ng isang tao para magpakalat ng maling impormasyon at manipulahim ang emosyon. Kaya ang panawagan sa atin ay magkaroon at magpalaganap ng Media and Artificial Intelligence Literacy (MAIL) upang turuan ang lahat, lalo na ang mga kabataan, ng wastong paggamit nito. Upang sa huli, maipahayag ang katotohanan at kabutihan, si Kristo sa lahat.

  • Fr. Keive Dimatatac, ssp l Society of St. Paul