Ebanghelyo: Mt 5:43–48
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Narinig na ninyo na sinabi: Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian ang iyong kaaway. Ngunit sinasabi ko sa inyo: Mahalin n’yo ang inyong kaaway, at ipagdasal ang umuusig sa inyo. Sa ganito kayo magiging mga anak ng inyong Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa kapwa masama at mabuti, at pinapapatak ang ulan sa kapwa makatarungan at di-makatarungan. Kung mahal n’yo ang nagmamahal sa inyo, ano ang gantimpala n’yo? Di ba’t ginagawa rin ito ng mga pagano? Kaya maging ganap kayo gaya ng pagiging ganap ng inyong Amang nasa langit.”
Pagninilay:
“Magpaka-ganap kayo gaya ng inyong Amang nasa langit.” Mas mahirap sa English translation at parang imposibleng marating ito ng isang tao. “Be perfect as your Heavenly Father is perfect”. Kahit ano pa ang gawin natin, hindi tayo magiging perfect tulad ng Diyos. Di ba kapag may nanakit sa atin, ang unang reaksyon ay manakit rin nang labis pa sa narasan natin? Hindi rin madaling magpatawad lalo na kung malalim ang sugat.
May kasabihan nga, “To err is human, to forgive is divine”. So, paano ba tayo magiging ganap gaya ng ating Amang nasa langit? Simpleng lang. Binibigyan tayo ng Mabuting Balita ngayon ng mga gawain na maari nating tularan kung nais nating maging ganap gaya ng Diyos. Una, walang pinipili ang Diyos. Pinasisikat niya ang araw sa masasama at mabubuti. Kung nais nating maging ganap, huwag tayong mamili ng taong gagawan natin ng mabuti. Isama natin ‘yong mga walang kakayahang ibalik sa atin ang ating kabutihang-loob at ‘yong hindi maganda ang pakitungo sa atin. Pangawala, mapag-patawad ang Diyos. Kaya ba nating magpatawad sa mga nagkasala sa atin? At pangatlo, kung nais nating maging ganap gaya ng Diyos, kailangan nating higitan ang ginagawa ng isang ordinaryong tao. We have to go an extra mile in doing good if we want to imitate the goodness of God.
Additional: Simple lamang ito pero mahirap isabuhay. Kaya kailangan natin ang grasya ng Diyos upang magpatawad at huwag maging mapili sa mga taong gagawan natin ng kabutihan. Hence, if we want to be perfect like our Heavenly Father, we have to imitate His works and ways of being and doing. Sa tulong ng Kanyang grasya, kakayanin nating piliin ang kabutihan laban sa kasamaan, katotohanan sa kasinungalingan, at ang pagbibigay ng second chances or even more sa ating kapwa.