Daughters of Saint Paul

MARSO 17, 2024 –  Ikalimang Linggo ng Kuwaresma (B)

EBANGHELYO: Jn 12, 20-33

May ilang sa mga Griegong umahon upang sumamba sa Piesta . Kaya Lumapit sila kay Felipe na taga-Bethsaida sa Galilea, at ntinanong “Ginoo, gusto  naming makita si Hesus.” Umalis  si Felipe at Kinausap si  Andres, Lumapit sina Andres at Felipe at kinausap si Hesus. Sinabi naman ni  Hesus sa kanila  “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao. Talagang talagang sinasabi ko sa inyo,  mananatili ang  nag-iisang butil ng trigo kung hindi ito mahuhulog sa lupa. Ngunit kung  mamatay man ito, Maraming bunga ang idudulot . Nagpapahamak ang kanyang sarili Ang umiibig nito.  Ngunit iniingatan ito pra sa buhay n awalang hanggan . Nang napopot sa kanyang sarili ditto sa mundo. Sundan akop ng nag lilingkod sa akin. At kong Nasaan ako naroon din ang taga paglingkod ko. Kung may mag lilingkod sa akin, pararangalan siya ng Ama. Ngayon nababagabag ang kaluluwa ko, sasabihin ko bang Ama, Iligtas mo ko mula sa hatid ng Oras na ito, Ngunit dahil ditto kaya ako dumating sa oras na ito. Ama Luwalhatiin mo ang iyong mga anak” Kaya may tinig na nag mula sa Langit. “ Niluwalhati ko ang muli kong luwalhatiin. Kaya pagkarinig ng mga Tao sinabi  nila ‘ Kumulong, Sinabi naman ng iba ‘ Nangusap sa kanya ang isang Angel. Sumagot si Hesus “ Hindi dahil sa akin kaya ikaw ay pinarinig, kundi dahil sa inyo. Ngayon Hinukuman ang mundong ito. Ngayon Itataboy sa labas ang Pinuno ng mundong ito at kapag itinaas ako mula sa lupa, hihilain ko sa akin ang lahat. “ Sinabi ito ni Hesus upang ipahiwatig ang uri ng kamatayang susunugin niya.

PAGNINILAY

Isinulat ni Fr. Rolly Garcia Jr. ng Archdiocese of Manila ang pagninilay sa ebanghelyo. Ang ating Mabuting Balita ngayon ay bahagi ng mga pangyayari sa buhay ni Hesus bago siya hulihin, hatulan at mamatay. (Kanyang ipinahayag” “Dumating na ang oras upang luwalhatiin ang Anak ng Tao. Pakatandaan ninyo: hangga’t hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa. Pero kung ito’y mamatay, mamumunga ito nang sagana.”  Ginamit ni Hesus ang imahe ng isang butil ng trigo na nananatiling nag-iisa kung hindi ito mahulog sa lupa at mamatay.) Nasa panganib ang buhay ni Hesus, dahil ipinaglaban niya ang katotohanan, at tinanggihan ang mga kasinungalingan ng kanyang mga kaaway. Pero, tulad ng Mabuting Pastol, handa siyang isuko ang kanyang buhay para sa kanyang mga tupa. (Ang “oras ng Anak ng Tao” na kanyang tinutukoy ay oras ng kanyang kamatayan. Masakit, pero kinakailangan at dapat pagdaanan ng binhi ang pagkabulok, bago ito muling mabuhay at magbunga.) Mga kapanalig, ang ating paglalakbay sa Panahon ng Kuwaresma ay magiging masagana lamang kung mananatili tayong tapat sa ating pananampalataya kahit na maging panganib ito sa ating buhay. Kadalasan, kasama dito ang pagkamatay sa ating mga personal na kagustuhan, kasarinlan, pagtindig para sa katotohanan, at ang paghahandog ng sarili para sa iba.  Samahan natin ang ating Panginoon sa Kalbaryo, mamatay tayo sa ating mga sarili, upang tulad ni Hesus, tayo rin ay maging mabunga.