Purihin ang Dios, mga kapanalig, sa pagdiriwang natin ngayon ng Dakilang Kapistahan ni San Jose, ang kabiyak ng Mahal na Birheng Maria. Kinikilala natin si San Jose bilang tagapag-tanggol ng buong Simbahang Katoliko. Siya rin ang kinikilala nating gabay sa mabuti at payapang kamatayan. Ito ang inyong kapanalig, Sr. Gemma Ria ng Daughters of St. Paul. Samasama na nating pakinggan ang Mabuting Balita na doon nasusulat ang kung paano tumugon si San Jose sa hamong pagtalima sa plano ng Panginoon. Ayon ito kay San Mateo sa unang kabanata, talata labing–anim, labinwalo hanggang dalawampu’t isa at dalawampu’t apat.
EBANGHELYO: MATEO 1:16, 18-21
Si Jacob ang Ama ni Jose, ang asawa ni Maria na siyang pinag mulan ni Hesus, na tinawag ni Kristo. Ito ang pangyayaring napaloob sa kapanganakan ni Hesukristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang Inang si Maria peru bago sila nag sama bilang mag asawa nag dalantao na siya gawa ng Espiritu Santo, Kaya binalak ni Jose na hiwalayan ng lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at ayaw iyang itong mapahiya. Habang iniisip niya ito, nagpakita sa kanya sa panaginipang Anghel ng Panginoon at sinabi “Jose anak ni David, Huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa, gawa ng Espiritu Santo kaya siya nag lihi at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki na pangalanang mong Hesus, sapagkat siya ang mag liligtas sa kanyang sambayanan, mula sa kanyang kasal anan´kaya pag gising ni Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang kanyang asawa.
PAGNINILAY
Kung sa bersyon ni San Lucas isinasalaysay ang buhay ni Hesus sa punto de vista ni Maria, sa bersyon naman ni San Mateo, sa perspektiba ni San Jose. Payak ngunit mabuting Hudyo at tapat sa Batas, ito ang pagkakapinta ni San Mateo sa pagkatao ni San Jose. Ngunit sa pagkakataong ito, nanghimasok at winasak ng Diyos ang mga life-expectation ni San Jose. Tinawag siya ng Diyos sa isang mas mataas na antas ng katapatan sa kanya; katapatan, hindi lamang sa Batas kun’di sa kaganapan mismo nito. Tinawag siya ng Diyos na maging ama kay Hesus. Nai-imagine ko tuloy ang pagkwestyon ni San Jose sa kanyang sarili at sa mga desisyon at magiging desisyon niya sa buhay pagkagising niya mula sa panaginip na ‘yun. Naku. Sabi nga ni Cl. Ina Ceblano, kung siya daw si San Jose, malamang, kinabahan din siya kasi pihadong babaliktad ang mundo niya sa ipinapagawa ng Diyos sa kanya. Ngunit, buong pagtitiwalang naging tapat si San Jose sa kalooban ng Ama. Mga kapanalig, ang buhay ay hindi lamang black and white. May mga pagkakataong kinakailangan nating harapin ang mga gray areas. Sa mga pagkakataong ito talaga namang napakahirap mag-desisyon. Maaaring pumipili tayo sa mga choices na parang walang mabuting outcome na mangyayari sa ating buhay. Maaaring sa mga pinagpipilian, parehong may madaragdag o mawawala sa atin. Sa mga ganitong pagkakataon, tingnan natin ang halimbawa ni San Jose. At sa ating pagpili, sa ating pagdedesisyon, maipangyari nawa ang kalooban ng Ama sa ating buhay.
PANALANGIN
O San Jose, dakilang esposo ng Mahal Birheng Maria at ama ni Hesus, ipanalangin mo kami. Amen.