Mapayapang Unang Linggo ng Kuwaresma, mga kapanalig. Pasalamatan natin ang ating Mahal na Hesus Maestro. Lalo pa sa banal na halimbawa na pinatunayan Niya na mas makapangyarihan ang Diyos kaysa demonyo. Pinahintulot Niya itong mangyari sa disyerto para mapalakas natin ang ating “spiritual muscles” laban sa mga tukso. Ito ang inyong kapanalig, Sr. Gemma Ria ng Daughters of St. Paul, sama-sama na nating ihanda ang ating buong sarili sa pakikinig sa Mabuting Balita ayon kay San Lukas kabanata apat, unang talata hanggang labing tatlo.
EBANGHELYO: LUCAS 4: 1-13
Si Hesus na puspos ng Espiritu Santo ay umalis sa Jordan. Dinala siya ng Espiritu sa ilang at doon namalagi sa loob ng apat napong araw na tinutukso ng diyablo. Sa loob ng panahong yaon ay hindi siya kumain kaya siya ay nagutom, winika sa kanya ng diyablo “Kung ikaw ang anak ng Diyos, iuutos mo na maging tinapay ang batong ito”. Subalit sinagot siya ni Hesus “Nakasulat hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao” at dinala siya ng diyablo sa isang mataas na pook. Ipinakita sa kanya sa isang saglit ang lahat ng kaharian sa daigdig. At sinabi sa kanya “Ha ha ha, ibibigay ko sayo ang buong kapangyarihan at karangalan ng mga kahariang ito na pinagkaloob na sa akin at maibigay ko sa kaninong ibig. Kayat kong sasamba ka sa akin, ang lahat ng ito ay magiging iyo. Ngunit sinagot siya ni Hesus “Nasusulat ang Panginoon iyong Diyos ay sasambahin at siya lamang ang iyong paglilingkuran. Dinala siya pagkatapos sa Jerusalem at pag kalagay sa kanya sa tuktok ng Templo ay winika sa kanya, “Kung ikaw ang anak ng Diyos mag patihulog ka rito, sapagkat nasusulat ipag bibilin ka niya sa kanyang mga angel upang ingatan ka nila at dadalhin ka nila sa kanilang mga kamay ng di matitisod sa bato ang iyong mga paa”. Ngunit sinagot siya ni Hesus. Sinasabi na wag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos, pagkatuksu sa kanya sa iba’t ibang paraan ay iniwan siya ng diyablo na nag hihintay ng isang magandang pagkakataon.
PAGNINILAY
Hanggang kailan natin nakakayanan ang tukso? Hanggang ano’ng pagkakataon natin na masasabi sa pang-aakit na gumawa ng masama na “Ayoko, hindi ito tama.” O maraming beses, nagbabargain tayo sa Diyos, ibalato mo muna sa akin ito, Lord. Ngayon lang naman. O kaya kapag stressed na tayo sa trabaho o kaka-solve ng problema, bibigay na tayo sa kinang ng tukso dahil wala na tayong powers na paglabanan pa. Totoo ang kasabihan na wala nang panggagalingan pa ang tukso kundi mula sa demonyong tuso. Ang ibig niya, masanay tayong gumawa ng masama. Ang plano niya, malulong tayo sa pagkakasala. Ito ang istratehiya niya para nakawin tayo sa Panginoon. Ngayong panahon ng Kuwaresma, inaanyayahan tayo na Manahan sa ilang. Sa lugar na doon madali tayong mauuhaw, madali tayong magugutom, sandal lang mapapagod tayo. Pwedeng pumutok ang balat natin o matuyo dahil sa tindi ng init. Ito ang pagkakataon na binabawasan natin ang pagkain na masasarap. Iniiwan natin ang asal na madaling magalit, madaling mag-marites-maritesan dahil masaya ang pag-usapan ang kahinaan ng iba. Idisregard na muna natin ang sobrang paghahapi-hapi. Kundi, sa halip ibigay natin sa mga nagugutom, sa mga street children. Tinatanggal na muna natin ang malambot na kutson sa kama, para mag-uwi ng ulilang bata galing sa bahay-ampunan. Kahit sa buong 40 days, ibahay at iparamdam sa bata ang saya. Isama rin ang bata sa family prayers at hayaang makita niya ang mukha ni Hesus sa iyo. Sa diwang ito, lalong lalakas ang ating spiritual muscles at mapagtagumpayan ang tukso sa tulong at pagmamahal ng ating Mahal na Hesus Maestro.