Daughters of Saint Paul

Marso 9, 2025 – Unang Linggo ng Kuwaresma

Ebanghelyo: LUCAS 4: 1-13

Si Hesus na puspos ng Espiritu Santo ay umalis sa Jordan. Dinala siya ng Espiritu sa ilang at doon namalagi sa loob ng apat napong araw na tinutukso ng diyablo. Sa loob ng panahong yaon ay hindi siya kumain kaya siya ay nagutom, winika sa kanya ng diyablo “Kung ikaw ang anak ng Diyos, iuutos mo na maging tinapay ang batong ito”. Subalit sinagot siya ni Hesus “Nakasulat hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao” at dinala siya ng diyablo sa isang mataas na pook. Ipinakita sa kanya sa isang saglit ang lahat ng kaharian sa daigdig. At sinabi sa kanya “Ha ha ha, ibibigay ko sayo ang buong kapangyarihan at karangalan ng mga kahariang ito na pinagkaloob na sa akin at maibigay ko sa kaninong ibig. Kayat kong sasamba ka sa akin, ang lahat ng ito ay magiging iyo. Ngunit sinagot siya ni Hesus “Nasusulat ang Panginoon iyong Diyos ay sasambahin at siya lamang ang iyong paglilingkuran. Dinala siya pagkatapos sa Jerusalem at pag kalagay sa kanya sa tuktok ng Templo ay winika sa kanya, “Kung ikaw ang anak ng Diyos mag patihulog ka rito, sapagkat nasusulat ipag bibilin ka niya sa kanyang mga angel upang ingatan ka nila at dadalhin ka nila sa kanilang mga kamay ng di matitisod sa bato ang iyong mga paa”. Ngunit sinagot siya ni Hesus. Sinasabi na wag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos, pagkatuksu sa kanya sa iba’t ibang paraan ay iniwan siya ng diyablo na nag hihintay ng isang magandang pagkakataon.

Pagninilay:

Narinig po natin sa ating Ebanghelyo ngayong araw na si Hesus ay nasa ilang ng apatnapung araw, 40 days! Hindi siya kumakain at siya’y tinutukso ng demonyo for 40 days! Napasearch po ako agad sa google habang ako’y nagninilay. Una: How many days a man can survive without food? Ang sagot ay he can survive without food for 30-50 days and die in 43-70 days. These all depend on many factors body weight, water intake, and other health conditions. Ikalawa ko pong sinearch ay: How fast a man can give into temptation? Ang sagot: A man can give into temptation very quickly, depending on the situation, the strength of the temptation, his personal willpower, and the level of emotional vulnerability he is experiencing now; it can happen almost instantly if he is not actively resisting it. Ngayong unang Linggo po ng Kuwaresma minumulat tayo ng ating mga pagbasa sa katotohanang may tukso, may kasalanan, may kaaway. Pero hindi lahat tungkol sa kanya, mayroon tayong maawaing Diyos, Diyos na patuloy na kumakalinga’t nagbibigay ng pag-asa at pagyakap sa tuwing nagpapatihulog tayo sa kasalanan. Yun ay kung masigasig tayong lalapit at dudulog ng kanyang awa’t pagmamahal. Magandang mas pagnilayan pa natin itong tinuran ng ating Santo Papa Francisco: “God never tires of forgiving us; we are the ones who tire of seeking his mercy.”