Ebanghelyo: JUAN 14,21-26
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Ang tumutupad sa tinanggap niyang mga kautusan ko, siya ang nagmamahal sa akin. Mamahalin ng aking Ama ang nagmamahal sa akin, at mamahalin ko rin siya at ipakikita ko sa kanya ang aking sarili.” Sinabi sa kanya ni Judas, hindi ang Iskariote: “Panginoon, paano mangyayaring sa amin mo ipapakita ang iyong sarili at hindi sa mundo?” “Kung may nagmamahal sa akin, isasakatuparan niya ang aking salita at mamahalin siya ng aking Ama at pupuntahan namin siya at sa kanya namin gagawin ang isang panuluyan para sa aming sarili. Ang hindi naman nagmamahal sa akin ay hindi nagsasakatuparan sa mga salita ko. At ang salitang inyong naririnig ay hindi sa akin kundi sa Amang nagpadala sa akin. “Sinabi ko sa inyo ang mga ito habang kasama pa ninyo ako. Ituturo naman sa inyo ng Tagapagtanggol ang lahat. Siya ang Espiritu Santong ipadadala ng Ama sa ngalan ko, at ituturo niya sa inyo ang lahat at ipaaalaala niya sa inyo ang lahat ng sinabi ko sa inyo.”
Pagninilay:
Anu-ano ang mga self-revelation sa iyo ng iyong BFF? Bukod sa kung sino siya, ano ang favorite niyang pag-usapan, ano’ng mga hobbies niya, ano’ng mga challenges ang humuhugot sa kanya pababa at ganun din ang humihila papataas? Sa madalas na chit-chat , over a cup of tea, o ng miLucas tea matatagpuan mo na may mga common values kayo, o nagugustuhan mo na rin ang mga gigs niya. Halimbawa, pinapahalagahan niya ang communication, kaya, you spend quality time sa kanya. Hindi matapos-tapos ang kwentuhan kahit na-enjoy na ang kahuli-hulihang tapioca pearl. Narinig natin na may revelation ang ating Hesus Maestro sa Kanyang close circle of friends. Sa huling hapunan nila ito naganap. Sinabi Niya ang Kanyang project of love. Iisa lang ang requirement. Ang sabayan natin Siya sa Kanyang pinahahalagahan. Kay gandang isipin ang project of love ng ating Panginoon, lalo’t katuwang Niya ang Diyos Ama. Kaya’t gawin nating maayos ang ating disposisyon na maki-unite sa Kanyang perpetual self sacrifice. Tulad Niya i-give up natin ang ating self-interest at maging dedicated sa pagtulong sa kapwa. Sa ganitong paraan, magiging bosom buddy natin Siya. Maa-unlock ang lahat ng blessings of love na naka-abang sa atin. Besides, maluwag din nating madadala ang ating BFF sa Kanya. Mas magiging deeper ang relationship natin sa isa’t isa, dahil we have Him as our Benevolent, Beyond compare Faithful Friend.