Daughters of Saint Paul

Mayo 24, 2025 – Sabado | Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Ebanghelyo:  Juan 15:18-21

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin n’yo na ako muna bago kayo ang kinapootan. Kung kayo’y mula sa mundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo: ‘Walang utusang mas dakila sa kanyang panginoon.’ Hindi ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. Dahil sa ngalan ko nila gagawin ang mga ito laban sa inyo, sapagkat hindi nila nakikilala ang nagpadala sa akin.”

Pagninilay:

Nagbahagi po si Sr. Teresita De Lara ng Daughers of St. Paul ang ating pagninilay.

Kapatid/Kapanalig, alam mo ba? Nu’ng nabinyagan tayo, automatic na tayong tinawag ni Lord na maging disciples Niya! Ibig sabihin, parte ng buhay natin ang magdala ng Good News sa lahat ng makakasalamuha natin. Oo, may mga taong ayaw makinig tungkol sa Panginoon. Nakakadiscourage minsan, ‘di ba? Pero hindi ‘yon dahilan para tumigil tayo. Tayo ang boses ni Kristo sa mundo!”

Minsan pa nga na-eche pwera o kaya naman ay na-judged ka kasi you’re trying to live right? Sinisikap mo lang namang maging kind, honest, or faithful, pero may mga tao talagang… ayaw sa ’yo? Pero alam mo, gets ‘yan ni Jesus. Sinabi Niya mismo ‘to sa Mabuting Balita ngayon: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin n’yo na ako muna bago kayo ang kinapootan nito.”

O ‘di ba? Straightforward si Jesus, no?Parang sinasabi lang niya, ‘Kung inaaway ka ng mundo, okay lang ‘yan. Ginawa nila sa ’kin ‘yan eh.’ Hindi ibig sabihin masama tayo—sometimes, it’s because we’re different. We follow Him, not the crowd.”

“Pero heto ang maganda – hindi tayo nag-iisa! Binigyan tayo ng Holy Spirit na gagabay sa atin. Siya ang magtuturo kung paano natin haharapin ang bawat sitwasyon.”

Kaya next time na mahirap mag-share ng faith… tandaan – baptized ka! May power ka! Palagi mong kasama ang Espiritu Santo. Pero expect some hate. Don’t take it personally, it’s about Him, not you. At saka LOVE pa rin. Kasi ang goal natin ay hindi mag-fit in, but to point people to Jesus.