Daughters of Saint Paul

MAYO 7, 2021– BIYERNES SA IKA-5 LINGGO NG PASKO NG PAGKABUHAY

EBANGHELYO: Jn 15:12-17

Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga, at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.”

PAGNINILAY

Mula sa panulat ni Eli Doroteo ng Institute of the Holy Family ang pagninilay sa Ebanghelyo.  Narinig natin ang Farewell Discourse – given by Jesus to eleven of His disciples immediately after the conclusion of the Last Supper… Iginawad ni Hesus ang kapayapaan sa kanyang mga alagad at ibinigay ang bagong atas na magmahalan bilang magkakaibigan.// Naalala ko ang refrain ng awiting – “Pagkakaibigan”  “Mula ngayon, kayo’y aking kaibigan, Hinango sa dilim at kababaan, Ang kaibiga’y mag-aalay ng sarili n’yang buhay, Walang hihigit sa yaring pag-aalay.”// May hihigit pa ba sa ganitong uri ng pagmamahal? Ito ang ipinakitang halimbawa ni Hesus sa kanyang mga alagad. Itinuring niya silang mga kaibigan. May pagtitinginang nagkakasundo, nagpapatawaran at may tiwala sa isa’t isa. Handang maglingkod, handang magbahagi sa kapwa.// Parang sa loob ng isang pamilya – kung nakikita ang pagmamahalan, tiyak na may kapayapaan at naririyan din ang paglilingkod at pagbibigayan. Ang ganitong pagtitinginan ay nadadala rin natin sa ating lipunan. Sa panahon ng pandemya ngayon, ang pagsuot ng face mask at face shield kung tayo ay lalabas ng ating mga bahay – hindi lang ito tanda na ayaw nating magkasakit, ito ay simpleng palatandaan ng ating paglilingkod sa ating kapwa tao. This gesture is a simple way of showing our care for our neighbors.// 

PANALANGIN

 Panginoon, nawa’y lagi kaming manahan sa iyong pag-ibig habang patuloy mong ginagawa ang iyong pagliligtas sa pamamagitan namin. Amen.