Daughters of Saint Paul

NOBYEMBRE 10, 2020 – MARTES SA IKA-32 LINGGO NG TAON

EBANGHELYO: Lk 17:7-10

Sinabi ni Jesus: “Ipagpalagay nang may katulong na nag-aararo o nag-aalaga ng mga tupa ang isa sa inyo. Anong sasabihin niya rito pagbalik nito galing sa bukid? Sasabihin kaya niya: ‘Halika na’t dumulog sa hapag’? Sa halip ay sasabihin niya: ‘Ihanda mo ang aking pagkain; magbihis ka’t pagsilbihan mo ako habang kumakain ako’t umiinom, at saka ka na kumain at uminom.’ Dapat kaya kayong tumanaw ng utang-na-loob sa utusang iyon dahil ginawa nito ang iniutos? Gayundin naman sa inyo. Pagkagawa ninyo sa lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo: ‘Mga karaniwang utusan kami; ginawa lang namin ang dapat naming gawin.’”

PAGNINILAY

Isinulat ni Fr. JK Malificiar ng Society of St. Paul ang pagninilay na ibabahagi ko sa inyo.  Hindi ba parang “demanding” masyado ang sinasabi ni Jesus sa Mabuting Balita ngayon? Hindi ba deserving naman ng kind treatment and praise, ang isang masipag na servant? By the way, the servant represents us. God is the Master. Sa totoo lang, kung seryosohin natin ang ating buhay pananampalataya, ma-realize natin na mahirap sundin ang pinapagawa sa atin ni Jesus, na demanding ang pagiging Katoliko. Bakit? It is because discipleship is not a bed of roses. Rather, it is the way of the cross. Pero, hindi ibig sabihin nito na hindi natin makakayanan ang mga demands ng ating buhay pananampalataya. Kung tayo lang, sigurado hindi natin kaya. Konting hirap lang, susuko tayo kaagad. Kaya, we need God. We have to pray. Sa tulong ng biyaya ng Diyos, lahat ng pagsubok at hirap ng buhay makakayanan natin. Ika nga ng isang prayer na matatagpuan sa Manual of Prayers ng Pauline Family, “By ourselves we can do nothing but with God we can do everything.”// Mga kapatid, we are all unprofitable servants working in the Lord’s vineyard. Kaya ipinapahayag at ipinapaalala ng Mabuting Balita sa araw na ito ang kahalagahan ng pagkakaroon natin ng kababaang-loob. Totoong we deserve praise and kind treatment pagkatapos ng mahabang araw ng pagbabanat ng buto. Totoong may kalakip na pagod o hirap ang bawat gawain, peroganito rin tayo nagiging kabahagi ng Diyos sa kanyang pagiging malikhain. Alalahanin natin na tayo’y mga abang lingkod at instrumento lamang para maipakita o maisasalamin ng bawat gawain natin ang kadakilaan at kabutihan ng Diyos sa lahat ng Kanyang nilalang. At nagpapatingkad sa ating karangalan bilang mga abang lingkod ng Diyos ang bawat gawaing tinutupad sa ngalan ng pag-ibig.// 

PANALANGIN

Panginoon, gawin nawa namin ang nararapat na gawain nang may kababaang-loob at sa diwa ng pagtupad sa iyong kalooban. Amen.