Daughters of Saint Paul

Nobyembre 8, 2024 – Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Ebanghelyo: Lucas 16,1-8

Sinasabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasiwa dahil hindi ka na makapangangasiwa.’ At inisip ng katiwala: ‘Tatanggalin ako ngayon sa pangangasiwa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Kulang ako ng lakas para magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagkatanggal sa akin sa pangangasiwa, may mga magpapatuloy sa akin sa kanilang mga bahay.’ Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may –utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon?’ Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang resibo mo, maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ Tinanong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo at isulat mo: ‘Walundaan.’ Hinangaan ng panginoon ang matalinong paggawa ng di matuwid na katiwala. Mas matalino nga ang mga taong makamundo sa pakikitungo sa mga gaya nila kaysa mga tao ng liwanag.”

Pagninilay:

Nagreresoconto rin ba kayo tulad namin? Salitang Italian ang resoconto, ibig sabihin, report. Ano man ang natanggap mong petty cash mula sa office  para sa apostolate o sa ministry kailangan nakalista nang maayos ang expenses at may katibayang resibo sa report mo. Requirement ito bilang ambag namin sa pangkalahatang mabuting pamamahala  sa aming Kongregasyon. Kaya masinop namin itong ginagawa. Bahagi rin ito ng aming vow of poverty.  Ayon sa talinhaga ng ating Hesus Maestro,  sa mga huling araw ng katiwala, nag-require ng pagsusulit ang amo niya. Totoo naman na ang katiwala, he could see a figure through the fog. Advance mag-isip at matinik ang kanyang style. ‘Yun ang tinitigan ng ating Hesus Maestro. Ngayong Nobyembre na naka-focus ang liturgy natin on what lies beyond this life, mag-strategize din sana tayo ng mahusay na paraan para makapaghanda sa everlasting life. Kapag nag-resoconto na tayo sa Kanya, sana wala siyang makitang discrepancies sa ating personal records. Sana masabi Niya na mabuti tayong katiwala. Kapanalig, ngayon pa man, sana maging desire din natin ang naging hangad ni Blessed James Alberione. Siya ang aming Founder. Sabi niya: “I wish nothing else, delight nothing else, do nothing else, think nothing else, speak of nothing other than Christ.”