Daughters of Saint Paul

Oktubre 28, 2024 – Lunes ng ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon | Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas

Ebanghelyo: Lucas 6,12-16

Umakyat si Hesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag umaga na, tinawag n’ya ang kanyang mga alagad at pumili s’ya ng labindalawa sa kanila na tinawag n’yang Apostol: si Simon na pinangalanan n’yang Pedro, si Andres na kapatid nito, si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinaguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging taga-pagkanulo. Pagkababa kasama nila, tumigil si Hesus sa isang patag na lugar. Naroon ang maraming alagad n’ya at napakarami ring tao mula sa buong Judea at Jerusalem, at mula sa baybaying dako ng Tiro at Sidon ang dumating para makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Gumaling din ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu, kaya sinikap ng lahat ng tao na mahipo s’ya dahil may kapangyarihang lumalabas sa kanya na nagpapagaling sa lahat.