Daughters of Saint Paul

Oktubre 30, 2024 – Miyerkules ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Ebanghelyo:  Lucas 13,22-30

Dumaan si Hesus sa mga lunsod at mga nayon na nagangaral habang papunta s’ya sa Jerusalem. May nagtanong sa kanya, “Panginoon, kakaunti nga ba ang maliligtas?” At sinabi ni Hesus sa mga tao, “Magpumilit kayong pumasok sa makipot na pintuan sapagkat sinasabi ko sa inyo marami ang gustong pumasok at di makapapasok. Kapag tumindig na ang may-ari ng bahay at naisara na ang pinto, tatayo kayo sa labas na kumakatok at magsasabing, ‘Panginoon, buksan mo kami.’ Sasagot naman s’ya sa inyo, ‘Hindi ko alam kung taga-saan kayo.’ Kaya sasabihin ninyo, ‘Kami ang kumain at uminom na kasalo mo, at sa aming mga lansangan ka nangaral.’ Ngunit sasagutin n’ya kayo, ‘hindi ko alam kung taga-saan kayo. Lumayo kayo sa akin kayong gumagawa ng masama.’ Naroon ang iyakan at pagngangalit ng mga ngipin pagkakita ninyo kina Abraham, Isaac, Jacob at sa lahat ng Propheta sa kaharian ng Diyos at ipagtatabuyan naman kayo sa labas. At makikisalo naman sa kaharian ng Diyos ang mga darating mula sa silangan, kanluran, timog at hilaga. Oo, may mga huli ngayon na mauuna at may mga una na mahuhuli.

Pagninilay:

Minsan may isang nanay ang lumapit sa akin. Mayroon siyang cancer. May isa siyang anak na babae na limang taong gulang pa lamang. Lagi daw tinatanong ng bata: “Mom, what does heaven look like?” Sabi niya, “alam niyo po brother, ang hirap hirap sagutin.” Paano nga ba sasagutin? Hirap man din akong umisip ng sagot pero sabi ko: “Siguro, magandang isagot ay What do you want to see in heaven? A heaven full of clouds, or cotton candies, or chocolates? A place so happy? No matter what, there is one thing sure in heaven—we will be with God forever—that what’s make heaven happy, joyful!

Mga kapatid/kapanalig, tampok ang tema ng kaligtasan sa ating Mabuting Balita ngayong araw. Kung pakikinggan, tila ba mahigpit si Hesus sa usapin ng pagliligtas. Pero sa katunayan, ibinuhos na Niya ang lahat–lubos lubos ang kanyang pagbibigay at pag-aalay ng buhay para sa ating kaligtasan. Isa lang ang nais niya mula sa atin—ang ating pananampalataya. Kaya nga po, Jesus wants us to take and do our part in our salvation. Katulad ng kanyang lubos-lubusang pagbibigay, tinatawagan din tayong magsisi sa kasalanan, pagsumikapan na laging lumapit sa Diyos, magmalasakit sa kapwa, upang sa takipsilim ng ating buhay, makita natin ang maningning na ilaw ng ating kaligtasan. Kaya ano hitsura ng langit? sabi po ni San Pablo sa 1 Corinthians 2:9: “Eye has not seen, nor ear heard, nor have entered into the heart of man the things which God has prepared for those who love Him.” Excited man tayo kung ano yun, pero sana po pagsumikapan natin makamit ang langit. Amen.