EBANGHELYO: Lc 11:1-4
Isang araw, nananalangin si Jesus sa isang lugar at pagkatapos niya’y sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad: “Panginoon, turuan mo kaming manalangin kung papaanong tinuruan ni Juan ang kanyang mga alagad.” At sinabi ni Jesus sa kanila: “Kung mananalangin kayo, sabihin ninyo: “Ama, sambahin ang ngalan mo, dumating ang Kaharian mo, bigyan mo kami araw-araw ng pagkaing kailangang-kailangan namin, patawarin kami sa aming mga sala; tingnan mo’t pinatatawad din namin ang lahat ng may utang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.”
PAGNINILAY
Isinulat ni Dina Urciana ng Institute of Our Lady of the Annunciation o IOLA ang pagninilay sa ebanghelyo. One of my favorite songs is “I am my Father’s child” composed by Mimo Perez. Sabi sa kanta, “I know and I believe my Father loves me. He never leaves me, I always want to be like my Father, he’s everything to me, coz I am my Father’s child.” Ang awit na ito ay tumutukoy sa karanasan sa Isang biological father at Heavenly Father. Isang Amang mapagmahal, di nang-iiwan sa kanyang mga anak lalo na sa oras ng pangangailangan. Isang Amang nagsasabi sa atin bilang kanyang mga Anak, na sundin natin ang kanyang mga utos upang maging maayos ang buhay natin dito sa Mundo. Sa dasal na Ama Namin, itinuro at ipinakilala sa atin ni Hesus ang kanyang Ama, at naging Ama din natin. Isang Amang makapangyarihan, pero di malayo at madaling lapitan. Napakaganda ng panalangin na ito dahil may kasiguruhan na ang buhay natin ay may patutunguhan, ang Ama. Na sa panahong ito ng pandemya, ng mga kalamidad, ng mga kaguluhan sa ibat – ibang panig ng mundo, may isang Ama tayo na alam nating in control sa mga pangyayari. Na sa mga kadilimang nangyayari ngayon, andyan ang Ama na sumusubaybay sa atin, ang liwanag ng mundo. I remember my Mother who was a very prayerful woman. Noong naaksidente ang tatay ko, Sya na ang tumayong nanay at tatay namin. Nakita ko sa kanya ang pagiging madasalin, ang laman ng wallet nya ay mga novena at Rosaryo. Madaling araw pa lang, gising na para magsimba. Nakayanan ng nanay ko ang lahat ng pagsubok dahil sa matibay nyang pananalig sa Diyos at pagdarasal ng taimtim. Namana ko sa nanay ang pagiging madasalin. Kung hindi siguro ako madasalin, at di ako ginagabayan ng Ama, di ako makakatagal sa mga pagsubok at di matatagalan ang maglingkod bilang Katekista. Sabi nga Ng aming Founder na si Blessed James Alberione, “prayer is the soul of every apostolate“. Katulad ni Hesus, wag tayong magsawang manalangin, ito ang lakas natin sa mga pagsubok at tukso. Ang Diyos Ama ang tutulong sa atin sa oras ng kagipitan. Patuloy nating ipagdasal ang paggaling ng mga maysakit, ang kapayapaan sa buong mundo at ang paghinto ng covid virus.