Daughters of Saint Paul

OKTUBRE 7, 2021 – HUWEBES SA IKA – 27 LINGGO NG TAON | Paggunita sa Mahal na Birhen ng Rosaryo

EBANGHELYO: Lc 11:5-13

Ng ikaanim na buwan, ang Angel na si Gabriel ay inutusan ng Diyos sa isang lungsod ng Galilea 

na tinatawag na Nazaret. Sa isang Birhen naidulog na sa isang lalaking sa lahi ni David na ang pangalan ay Jose, at ang pangalan ng Birhen ay Maria. Pagpasok niya sa kinaroronan ng babae ay isanabi niya! “Abba puspos ka ng biyaya ang Panginoon ay sumasainyo.” Sa mga pangungusap na ito, si Maria ay nabigla at pinagdilidili ang kahulugan ng ganon bahagi. Datapwat sinabi sa kanya ng Angel: “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nagging kalugodlugod ka sa mata ng Diyos. Tingnan mo maglilihi ka at manganganak ng isang lalaki na tatawagin mong Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawagin Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang luklukan ni David ng kanyang ama. At maghahari siya sa sambahayan ni Jacob magpakailaman; at walang katapusan ang ang kanyang kaharian.” Winika ni Maria sa Angel “Paanong mangyayari ito gayong wala akong nakilalang lalaki?” “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya ang ipanganak ay magiging banal at tatawaging Anak ng Diyos. At tandaan mo ang kamag-anak mong si Esabel ay naglilihi ng isang lalaki sa kanyang katandaan, at yaong tinatawag na baog ay nasa ikaanim na buwan na, sapagkat sa Diyos ay walang bagay na di mangyayari.” “Narito ang lingkod ng Panginoon, maganap nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng Anghel

PAGNINILAY

Mula sa panulat ni Bro. Buen Andrew Cruz ng Society of St. Paul ang pagninilay sa ebanghelyo.  (Naranasan mo na bang humingi dala ng matinding pangangailangan? Minsan, dumarating ang mga sandali ng kagipitan. Napakahirap humingi ng tulong, lalo na kung gipit din ang sitwasyon nang taong hinihingian ng tulong. Itinuro sa atin ng pandemyang ito na may hangganan din ang kakayahang magbigay ng mga tumutulong. Minsan pa nga nangangailangan na rin ang mismong tumutulong. Pero sa sa diwa ng pagtulong sa kapwa o bayanihan, lagi at laging nagagawan ng paraaan, laging may sagot ang bawat pangangailangan. Sa mga ganitong pagkakaton, panghawakan natin ang pangako ni Hesus:) Humingi at bibigyan, maghanap at matatagpuan, kumatok at pagbubuksan. Sa ganito inilahad ni Hesus kung paano maging masigasig lalo na sa pananalangin. (Hiniling ng mga alagad na turuan silang manalangin sa simula ng kabanatang ito ni San Lukas. Matapos silang turuan ng Panginoon ng halimbawa ng isang panalangin, ipinaliwanag naman ni Hesus ang halaga ng pagtitiyaga at pagiging masigasig sa pananalangin. Sabi pa ni Hesus, Humingi ka at ikaw ay bibigyan ng Ama.) Tandaan: Naririnig ng Diyos ang bawat dalangin natin. Tulad ng kaibigan sa ebanghelyo na ipinakita ang kayang pagiging matulungin kahit na maka-aabala sa pagpapahinga niya at ng kanyang pamilya, tumugon pa rin siya upang tumulong sa kaibigang nangangailangan. Mga kapatid, higit pa riyan ang ginagawa ng ating Ama sa langit. Sa ating pagkatok sa kanyang puso at paghingi para sa ating pangangailangan bilang kanyang mga anak, lagi at lagi mayroong masusumpungang biyaya na kanyang ibinibigay kahit pa nga hindi pa natin hayagang hinihingi at madalas higit pa sa ating inaasahan. Buksan ang mata ng iyong pananampalataya, hawakan ang rosaryo, pagnilayan ang buhay ni Hesus sa bawat misteryo at maging masigasig sa pananalangin upang makita ang pagbibigay, maramdaman ang pagmamahal at pagtulong sa atin ng Diyos araw-araw. Amen.