Mapayapang araw ng Martes mga minamahal kong kapatid kay Kristo! Ito po si Sr. Amelyne Paglinawan ng Daughters of St. Paul na nag-aanyaya sa inyo sa sama-samang pakikinig at pagninilay sa Salita ng Diyos. Purihin ang mapagmahal nating Diyos sa panibagong Buwan ng Pebrero. Buwan ng Pag-ibig. Pasalamatan natin ang Dios ang bukal ng tunay na Pag-ibig. si Hesus na patuloy na nagbibigay satin ng saya at bagong sigla na matutunghayan natin sa anak ni jairo at sa isang babaeng Labin dalawang taon ng dinudugo. Pakingggan natin ang kabuuan ng kuwento ayon kay San Markos kabanata lima, talata dalawamput isa hanggang apatnaput-tatlo.
EBANGHELYO: Mk 5 21-43
Pagkatawid ni Jesus sa lawa na sakay sa bangka, pinagkalipumpunan siya ng maraming tao sa tabing-dagat. At may dumating na isang pinuno ng sinagoga na nagngangalang Jairo. Nagpatirapa ito sa kanyang paanan at pilit na ipinakiusap sa kanya: “Naghihingalo ang aking dalagita kaya halika para maligtas siya at mabuhay sa pagpapatong ng iyong mga kamay. Kaya umalis si Hesus kasama niya at sumunod din sa kanya ang mga tao na gumigitgit sa kanya.”
Nagsasalita pa si Jesus nang may dumating galing sa bahay ng pinuno ng sinagoga, at sinabi nila: “Patay na ang iyong anak na babae. Bakit mo pa iniisturbo ngayon ang Guro?” “Huwag kang matakot , manampalataya ka lamang. At wala siyang pinayagang sumama sa kanya liban kina Pedro, Jaime at Juan kapatid ni Jaime. Pagdating nila sa bahay nakita niya ang kaguluhan may mga nag iiyakan at labis na nagtataghuyan pumasok si Hesus at sinabi bakit nagkakagulo at nag iiyakan, hindi patay ang bata kundi natutulog lang.” At pinagtawanan nila siya. Ngunit pinalabas ni Hesus ang lahat at ang ama at ang ina lamang nito ang isinama at ang kanyang mga kasamahan. Pagpasok niya sa kinaroonan ng bata,hinawakan niya ito sa kamay at sinabi: “Talita kum,” na ang ibig sabihi’y “Nene, sinasabi ko sa iyo, bumangon ka. At noon di’y bumangon ang bata at nagsimulang maglakad. At nagkaroon ng pagkamangha, malaking pagkamangha. Mahigpit na iniutos ni Jesus sa kanila na huwag itong sabihin kaninuman, at sinabi sa kanila na bigyan ng makakain ang bata.
PAGNINILAY
Pananalig ang nakapagpapagaling sa sinumang makatagpo si Jesus. Si Bela ay nagtitinda ng sampagita sa labas ng isang Shrine ng Divine Mercy. Dati siyang dinudugo kayat nagdasal siya sa Divine Mercy at nagdebosyon sa Mahal na Ina para gumaling. Himala man o dahil sa kanyang buo na pananalig, nakamtan niya ang kagalingan. Patuloy pa rin siyang nagtitinda ng sampagita hanggang ngayon . Paraan niya ito para marami pa ang makapag-alay ng pasasalamat at panalangin sa Dios at sa Mahal na Ina. Pananalangin ang paraan upang lumakas ang ating pagkapit sa Panginon. Panalangin ang sikreto upang tayoy makapasok sa mundo ng pagpapagaling at himala ni Jesus. Kahit hindi natin lubos na nauunawaan at naiintindihan ang mga nangyayari sa ating buhay. Alam natin sa kaibuturan ng ating mga puso na merong ginagawa ang Dios. Na binibigyan Niya nang lunas ang ating mgaproblema at mga karamdaman. Patuloy tayong manalig sa higpit ng pagkakapit ni Jesus sa atin. Siya ay higit na malapit sa atin sa pagtawag natin sa kanyang Banal na Ngalan ng may buong pananalig. Inaanyayahan tayo ni Jesus na huwag bumitiw sa Kanya. Magtiwala ….tayo sa mapagkalingang awa ng Dios! Si Jesus lamang ang ating babalingan, kay Jesus hindi tayo mabibigo.
PANALANGIN
O Panginoon naming mapagmahal, Ikaw ang may akda ng buhay. Naway aming makamtan ang bagong sigla at lakas sa aming pananatili sa Iyong pagmamahal at awa. Amen.